• March 29, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Literal na dream come true ang ‘Green Bones’: DENNIS, nakamit na ang ‘best moment’ ng career bilang isang aktor

SA Thread page ng Golden Best Actor ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024, overwhelmed pa rin si Dennis Trillo at punum-puno ng pasasalamat sa mga papuring patuloy na natatangap dahil sa mahusay niyang pagganap sa blockbuster at award-winning movie na ‘Green Bones’.
Masasabi na nga niya na ito ang ‘best moment’ sa kanyang career bilang isang aktor.
Say ni Dennis, “Hindi ko akalain na sa tagal ko nang artista ay ngayon ko lamang masasabi ito….
“this is probably the best moment of my career as an actor…”
“Wow… just wow, literal na dream come true. Gusto ko lang i share sa inyo, kung gaano kasarap sa pakiramdam….thank you GREEN BONES.”
#magingmabutingtao”
Matatandaan na humakot ang “Green Bones” ng major awards sa Gabi ng Pangaral ng 50th MMFF, nakamit nito ang Best Picture, Best Actor, Best Supporting Actor for Ruru Madrid, Best Screenplay for Ricky Lee and Angeli Atienza, at Best Child Performer for Sienna Stevens. 
Napapanood pa rin ito sa mga sinehan nationwide dahil extended ang MMFF hanggang January 14.
Patuloy namang sumasang-ayon ang netizens, na isa si Dennis sa pinakamagaling na aktor ng ‘Pinas base sa kanilang mga komento…
“Proud of you, Dennis! Such an excellent actor. Di matatawaran ang galing. For me, ikaw ang pinakamagaling sa henerasyon ngayon.
“Congrats sa awards and blockbuster movie, Green Bones! Excited ako sa next projects mo Dennis.
“Dennis Trillo is one of the best actors of his generation, if not the best.
“Maganda body of work ni Dennis. Pulang Araw, Maria Clara at Ibarra, My Husband’s Lover to name a few. He’s such a great actor and probably easy to work with kaya nabibigyan ng magandang roles.
“Magaling talaga sya, napanood ko sya sa mcai at love before sunrise.
“Dasurv! Best Actor!
“Pinakamahusay ka noon at ngayon Ginoong Dennis Trillo. Matagal na namin alam ang husay mo even before green bones. Salamat sa pagbahagi mo ng talento at salamat sa pagmamahal mo sa sining. Masarap kang panoorin.” 
  • “No doubt ikaw ang pinakamagaling na actor sa Pilipinas mapaTV man or movies. Blessed both sa career at family life.”

“Salamat at binigyan ng magagandang role at project si Dennis. Lumabas talaga yung versatility at talent niya. Congrats, Dennis!”

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Reyes hinirang na PBAPC Coach of the Year

    KINILALA si Chot Reyes ng TNT Tropang Giga bilang PBA Press Corps (PBAPC) Coach of the Year para sa Season 46 matapos pagharian ang nakaraang Phlippine Cup.     Tatanggapin ng 58-anyos na si Reyes ang kanyang ikaanim na Virgilio ‘Baby’ Dalupan trophy sa traditional Awards Night ngayon sa Novotel Manila Araneta Center.     […]

  • Opensa Depensa CEC Claravall rarampa Rise Up, Shape Up

    BIBIDA sa Philippine Sports Commission (PSC) Rise Up Shape Up ang isa sa mga Gintong Gawad 2021 awardee na si Dr. Drolly Claravall sa webisode ngayong Sabado, Perbrero 12.     Kinilala bilang PSC Gintong Gawad awardee sa “Makabago at Natatanging Produktong Pang-Isport” ang doktora dahil sa imbensiyon niyang ergonomically designed handheld massage tool na […]

  • Kalayaan College sa QC nagsara na rin dahil sa kalugian dala ng pandemya

    NAG-ANUNSIYO kahapon ang Kalayaan College na nasa Quezon City upang ipaalam ang tuluyan na rin nilang pagsasara.     Sa abiso ng naturang kolehiyo ipinaabot nila ang kadahilanan ng pagtigil na ng operasyon ay bunsod ng patuloy umanong kalugian na pinatindi pa ng pandemya.     Ang naturang kolehiyo ay una na ring itinatag noong […]