• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lithuanian player tumutulong sa Gilas

MALAKING  tulong para sa Gilas Pilipinas ang mga payo ni dating Lithuanian player Virginius Sirvydis na tumutulong sa training camp ng tropa sa Kaunas, Lithuania.
Ayon kay Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes, malaki ang kontribusyon ni Sirvydis na may mga puntong ibinibigay para mas lalong mapalakas ang Pinoy cagers para sa FIBA World Cup.
Isa na rito ang depensa.
“There’s a lot of room for growth and improvement for the next two months. Defensively, he’s a fundamental coach, teaches good foundation on defense. He can give us other things that can help us moving forward,” ani Reyes.
Malalim ang karanasan ni Sirvydis na siyang ama ni NBA G League player Devidas Sirvydis.
Iginiit ni Sirvydis na kailangang patatagin ng Gilas Pilipinas ang depensa nito upang makipagsabayan sa matitikas na tropa sa World Cup.
“We got to fix up (our transition) and get back on defense to make sure we know exactly what we want to do. He (Sirvydis) coaches in one of the club teams in Lithuania and has coached internationally in Kazakhstan with Astana. More importantly, I like his philosophies defensively,” dagdag ni Reyes.
Nasaksihan ni Sirvydis ang laro ng Gilas Pilipinas kung saan naipanalo ng Pinoy squad ang dalawang laro nito laban sa Ukraine under-20 team.
“The better our defense becomes, the better our offense as well cause if we defend really well in practice, we can be sharp in our offense as well,” wika pa ni Reyes.
Dalawang tuneup ga­mes pa ang pagdaraanan ng Gilas sa Lithuania.
At umaasa si Reyes na mas magiging maganda ang resulta ng laro ng kanyang bataan partikular na sa depensa.
“I like the situation where we don’t know we will be playing so that we can be adjust, which is a test of our adaptability and our flexibility. And helps us in our ability to make game time adjustments and game time decisions,” dagdag ni Reyes.
Other News
  • Bakuna kontra Covid -19 na galing India, sa 3rd quarter pa darating sa bansa- Galvez

    IBINALITA ni NTF Covid-19 Chief Implementer and Vaccine Czar CARLITO GALVEZ JR. na sa 3rd quarter pa ng taon darating ang bakuna galing India.   Sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi ay ipinaliwanag ni Galvez sa pamamagitan ng kanyang inihandang presentasyon gamit ang 15 slides kung bakit sa 3rd quarter […]

  • –CIRCUMSTANCES– THE THIRD EYE BY: CHRISTIAN TUPAZ

    “Tis the Season to be jolly,” Fa-la-la-la-la-la-la-la-la 50 days before Christmas. The spirit and season of giving is in the air as the ‘BER’ month started, an unexplained feeling of excitement anticipates everyone. By receiving a gift of Hope, Love and a Wish that may or may not come true.     “Today.. A similar […]

  • DATING OPISYAL NG BIR SINAMPAHAN NG KASO NG NBI

    NAGHAIN ng apat na kaso ang  National Bureau of Investigation (NBI) laban sa opisyal ng  Bureau of Internal Revenue (BIR) .     Binanggit ni NBI Regional Director Moises Tamayo ang respondent sa kaso bilang  Revenue Officer IV na si Flora Albao ng BIR’s Revnue District Office-93A (RDO-93A).     Sinabi ni Tamayo na ang […]