• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LIZA, nag-react sa poster ng ‘Tililing’ at sinabing “Mental health is NOT a joke. Stop the stigma”

IBA talaga si Liza Soberano.

 

Isa siya sa mga kabataang artista ngayon na hindi lang puro ganda. Kung lalaki lang ‘to, madaling sabihin na may ‘balls’ kasi.

 

Talent-wise, na-prove naman ni Liza na hindi lang talaga siya pretty face at talagang may ibubuga sa aktingan. At bukod dito, siya rin yung may pakialam at matapang na magbibigay ng stand niya sa mga nangyayari sa bansa at sa paligid niya.

 

Tulad na lang sa poster ng pelikulang Tililing kunsaan, makikita sa larawan ng mga bida na sina Baron Geisler, Gina Pareno at Chad Kinis na yung typical na imahe ng may mental health pa rin ang pinapakita.

 

Kaya nag-react si Lisa sa kanyang Twitter account at sinabi nitong hindi siya agree sa poster ng pelikula.

 

Sey niya, Really hoping that this movie will spread awareness and enlighten us on the struggles of dealing with mental health. But the poster? It’s a no for me. Mental health is NOT a joke. Stop the stigma.”                      

 

O, sa mga nagre-react agad, hindi naman niya kinondena ang movie, yung poster lang.

 

***

 

HINDI pa rin nagsasalita o nagbibigay kumpirmasyon kung malapit na ngang maging mommy at daddy ang mag-sweetheart na sina Sophie Albert at Vin Abrenica.

 

Pero ang sigurado at mas una nilang inamin ay ang pagsasama na nila sa isang bahay, which means, “living-in” o “live-in” na silang dalawa at tila ipinagsigawan nga nila ito sa kanilang mga social media accounts.

 

Naunang nag-post si Sophie nang, “Another milestone for us, WE ARE MOVING IN TOGETHER!!! One of the reasons why we’ve been so MIA is cause it has been quite a stressful start of the year trying to get the house ready and finished.

 

It’s moving slower than we expected but we’re hopeful that our home is coming together veeeery slowly, but surely!!! Konti na lang! Kapit na lang!”

 

Sinundan agad ito ni Vin nang, “If you saw @itssophiealbert’s post, yes we are moving in together!! Sinabi na niya lahat eh. Wala na. So eto n lang, to vlog or not to vlog? Sobrang dami naming natutunan sa process na ito. Malapit na malapit na matapos ang aming bahay!! Yahoo!!”  

 

May ilang nagku-congratulate sa kanila na mga kaibigang artista. Ilan na rito sina Edgar Allan Guzman at Mark Herras.

 

Napaisip tuloy kami, kasal na ba sila kaya sila kino-congratulate? O kino-congratulate dahil magli-live-in na?

 

In fairness, iba na nga ba ngayon? Ipinagsisigawan na ang pagli-live-in at ipinagdiriwang? (ROSE GARCIA)

Other News
  • Malakanyang, pinalagan ang tila patutsada ni Sen. Gordon

    PINALAGAN ng Malakanyang ang patutsada ni Senator Richard Gordon na hindi mangyayari ang mga krimen na iniuugnay sa POGO industry kung hindi malambot ang posisyon ng administrasyon sa China.   Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, hindi kailanman naging malambot si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa anumang usapin na mayroong kinalaman sa national interest.   […]

  • Smoke emission test kailangan pa rin sa LTO

    Nilinaw ng Malacanang na kailangan pa rin ang smoke emission test kahit na hindi na mandatory ang Motor Vehicle Inspection System (MVIS) sa pagrerehistro at renewal ng sasakyan sa Land Transportation Office (LTO).     “We have just a clarification. While the President said that motor vehicle inspection must be suspended, there is still a […]

  • Public schools bilang isolation centers ikinakasa na

    Unti-unti nang ginagawang mga isolation center ang mga pampublikong paaralan sa Metro Manila para sa mga pasyenteng may coronavirus disease 2019 o COVID-19, ayon sa Malakanyang.   Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hinihintay na lamang ng pamahalaan ang pagpapasa sa Bayanihan 2 dahil kabilang dito ang pagpapagawa ng mga paaralan.   “We are now […]