• June 5, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Liza, pinaniniwalaan ni Herbert sa mga adbokasiya niya

KAHIT ang dating Mayor ng Quezon City at actor na si Herbert Bautista ay nagbigay ng kanyang pahayag sa ginagawang red tagging kay Liza Soberano.

 

Sa pamamagitan ng manager ni Liza na si Ogie Diaz ay ipinaabot nito ang kanyang saloobin sa nangyayari.

 

Dahil hindi ma-socmed si Herbert kaya pinaabot na lang niya.

 

Ayon dito, “My take on Liza’s advocacies:

There are a lot of instances nagkaka-kwentuhan kami ni Liza sa set ng ‘Make It With You.’ Mabait ang “anak” ko na yan. Maganda ang prinsipyo at disiplina sa buhay.

 

“I believe in Liza’s advocacies (VAWC, environment, animal rights, etc.). She is aware of her rights and responsibilities in our country and as a global citizen.”

 

Maging si Ogie ay nilinaw kung bakit nasa webinar ng Gabriela si Liza. Hindi siya kasapi o miyembro kung hindi bilang isang guest.

 

Aniya, “Nag-guest lang po sa webinar ng Gabriela Youth si Liza Soberano. Hindi po siya miyembro ng Gabriela o ng kahit anong partido o partylist.

 

“Nagsasalita lang po siya bilang babae at kabataan, dahil kilala siya sa kanyang advocacy. Wala naman pong masamang sinabi si Liza patungkol sa mga karapatan ng kababaihan at ng kabataan sa webinar na ‘yon.

 

“Saan pong organisasyon dapat magsalita si Liza na bagay pag-usapan ang tungkol sa women’s and children’s rights na kikilalanin at paiigtingin ang karapatan ng mga babae at mga bata na hindi po siya mare- redtag?” (ROSE GARCIA)

Other News
  • 1,450 TRAINEES NG COAST GUARD, NANUMPA

    SABAYANG  nanumpa sa Coast Guard Fleet Parade  Ground ngayong araw ang 1,450 trainees ng Philippine Coast Guard (PCG).     ” Thank you for choosing to be one with our noble cause.You have my respect” , mensahe ni PCG  Commandant, CG Admiral Artemio M Abu .     Sa bilang na ito, 1,283 ang kalalakihan […]

  • MRT, LRT balik sa buong kapasidad ngayon Alert Level 1

    Inihayag ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) at Light Rail Transit Line 1 (LRT1) na balik na sa buong kapasidad ang dalawang nasabing rail lines ngayon nasa Alert Level 1 na ang Metro Manila.       “Trains of the MRT 3 can carry a total of 1,182 passengers per set, consisting […]

  • One-time extension sa education assistance program, pinag-aaralan ng DSWD

    PINAG-AARALAN ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magbigay ng one-time extension sa pamamahagi ng educational assistance program nito.     Ito ay bago ang nalalapit na pagtatapos ng kanilang anim na linggong payoout sa darating na September 24, 2022.     Ngunit paglilinaw ni DSWD Spokesperson Romel Lopez, ang naturang extension […]