Lobrequito, 3 pa tagilid sa Summer Olympic Games
- Published on April 12, 2021
- by @peoplesbalita
SABLAY makipagbuno si freestyler Alvin Lobrequito sa Asian Wrestling Championships sa darating na Abril 12-17 sa Almaty, Kazakhstan bunsod ng kawalang Detailed Service (DS) permit sa Armed Forces of the Philippines (AFP).
Namemeligro na rin ang pagdayo niya sa Sofia, Bulgaria kasama sina freestyler Jiah Pingot at Greco-Roman practitioners Jason Baucas at Noel Morada sa World Olympic Qualification sa Mayo 6-9 kasunod sa pagtaas ng bilang ng kaso ng Covd-19.
Kumpiyansa pa rin naman hanggang Martes si Wrestling Association of the Philippines (WAP) secretary general Marcus Valda, na makakapag-training sa lalong madaling panahon ang apat na mambubuno upang mag-qualify sa 32nd Summer Olympic Games 2020 na inurong din ng pandemya sa Hulyo 23-Agosto 8 sa Tokyo, Japan.
Buhat sa Berlin 1936 Olympics, may 15 Pinoy wrestler na ang mga nakasabak sa quadrennial sportsfest. Pinahauli nga lang ay noon pang 1988 Seoul Games sa katauhan nina Dean Carlos Manibog at Florentino Tirante. (REC)
-
Bulacan, muling isinailalim sa MECQ
LUNGSOD NG MALOLOS – Kagyat na nagpatawag ng pulong si Gob. Daniel R. Fernando kasama ang Inter-Agency Task Force matapos ianunsyo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na muling isasailalim ang Bulacan kasama ang iba pang lalawigan na nakapalibot sa National Capital Region sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) mula Agosto 4-18 dahil sa paglobo ng kaso […]
-
‘Dear Heart’ concert, baka huli na nilang pagsasama: SHARON, pinagdiinan na ‘di sila nagkabalikan ni GABBY
MAY post si Megastar Sharon Cuneta na, “I’m loyal. I’ll never leave you for someone else. I’ll only leave you for myself. For my peace, my sanity, my respect, my dignity.” Ayon naman sa mga komento ng netizens parang itinuturo ni Sharon ang kanyang asawa na si Kiko Pangilinan. Ayon kasi post ng […]
-
Ikinagulat din ni Direk Brillante ang pagsikat: COCO, walang character kaya gustong maglagay ng ‘scar’ sa mukha
UNANG pelikula ni Brillante Mendoza bilang direktor ang “Masahista” na first lead role naman ni Coco Martin noong 2005. Pero si Coco ay umiba ng landas at napunta sa mainstream movies at series. Si Direk Brillante ay nanatili sa paggawa ng indie film at itinuturing na pinakamahusay na indie film director ng kanyang henerasyon. Ano […]