Bulacan, muling isinailalim sa MECQ
- Published on August 6, 2020
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS – Kagyat na nagpatawag ng pulong si Gob. Daniel R. Fernando kasama ang Inter-Agency Task Force matapos ianunsyo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na muling isasailalim ang Bulacan kasama ang iba pang lalawigan na nakapalibot sa National Capital Region sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) mula Agosto 4-18 dahil sa paglobo ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
“Medyo nabigla po ang lahat, sarado na naman ang maraming establishments. But let us face the reality, hindi naman ito matitigil hanggang walang vaccine kaya pataas pero ang bantayan natin ay ang mas marami ang makarecover at hindi tayo magka-casualty. Mahirap ‘yung tatahakin natin na ito, but we need to fight until we heal,” ani Fernando.
Ayon kay Bulacan PNP Provincial Director Lawrence Cajipe, babantayan nila ang 21 controlled points na hangganan ng Bulacan, 52 na inter-municipality at 13 pasukan at labasan sa lalawigan habang mahigpit na sinusunod ang mga alituntunin ng MECQ.
Nakasaad sa alituntunin na suspendido ang pampublikong transportasyon, sarado ang mga paaralan, mahahalagang serbisyo lamang ang papayagan sa malls, walang malakihang pagtitipon, 50 porsyento lamang ng mga empleyado na may skeletal na iskedyul ang pahihintulutang pumasok habang work from home ang iba.
Ibinahagi naman ni Dr. Jocelyn Gomez, pinuno ng Provincial Health Office-Public Health, na sa huling tala nitong Agosto 3, mayroong 1,499 na kaso ng COVID-19, 462 ang gumaling habang 49 ang namatay sa Bulacan.
Aniya, may mga barangay at kabahayan na nasa ilalim ng localized zoning containment kabilang ang mga barangay ng San Nicolas at Bambang sa bayan ng Bulakan na matatapos sa Agosto 8 at 12; pitong kabahayan sa anim na barangay sa Plaridel na magtatapos sa Agosto 7; at 85 kabahayan sa Brgy. Ibayo, Hagonoy na matatapos sa Agosto 5.
Bukod dito, sinabi ni Rowena Joson -Tiongson, pinuno ng Provincial Social Welfare and Development Office, na naipamigay na nila ang 250,000 na mga survey form sa 569 na mga barangay sa lalawigan para sa contact tracing sa mga nagtatrabaho sa labas ng Bulacan.
Gayundin, sinabi ni Mayor Ambrosio Cruz, Jr., pangulo ng LMP Bulacan at miyembro ng IATF, na binanggit niya sa pulong kasama ang mga kapitan ng barangay na kailangang mahigpit na ipatupad ang mga alituntunin at maramdaman ito ng publiko.
“Kailangan maramdaman ng tao na may paghihigpit, kailangan maramdaman ng tao na kailangan natin sila sa laban na ‘to,” ani Cruz. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Sec. Cusi, nag-sorry dahil sa sunud-sunod na brownouts sa isla ng Luzon ngayong linggo
HUMINGI ng paumanhin si Energy Secretary Alfonso Cusi sa sunud-sunod na brownouts sa isla ng Luzon ngayong linggo. Sa virtual press briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque, tiniyak ni Cusi na kagyat namang naibalik sa normal ang suplay ng kuryente. Sa ulat, tumama ang rotational brownouts sa ilang bahagi ng Luzon simula nitong […]
-
BSP sa financial institutions: Sundin ang mandatory 60-day grace period’ sa mga utang
NAGPAALALA ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa lahat ng mga bangko o financial institutions na agad na sundin ang itinatadhana ng bagong batas na dalawang buwan na puwedeng hindi muna bayaran ang pagkakautang. Sa ipinalabas na memorandum ni BSP Gov. Benjamin Diokno, sinabi nito na ang 60-days na grace period sa mga loans […]
-
Slam dunk ni Norwood sa harap ni Scola pasok na sa 3rd round ng FIBA dunk of the decade
Pasok na sa ikatlong round ng FIBA Dunk of the Decade ang poster dunk ni Gabe Norwood kay Luis Scola ng Argentina. Ito ay matapos talunin niya ang entry dunk ni Yi Jianlian ng China. Nakakuha ng 77 percent na boto si Norwood laban kay Yi. Dahil dito ay magiging mahigpit na […]