• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Local response laban sa Covid-19 dahil sa Omicron variant, pinaigting

TINIYAK ng Malakanyang sa publiko na pinalalakas at pinaiigting na ng gobyerno ang local response laban sa Covid-19 makaraang ideklarang variant of concern ang Omicron variant.

 

Sinabi ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, kabilang sa mga ginagawang hakbang ng pamahalaan ang pagbibigay kautusan sa mga local government unit o LGU’s na palakasin pa ang kanilang mga paghahanda at pagsasagawa ng clustering ng mga kaso ng virus.

 

Mahalaga ring mas mapalawak pa ng mga ito ang kanilang active case finding sa pamamagitan ng pagsasagawa ng agarang contact tracing at isolation ng mga kaso na namataan sa surveillance cases sa loob ng isang komunidad kabilang na ang mga domestic and international travellers.

 

Dapat din aniyang na RT-PCR test ang gamitin sa mga isasagawang testing para agad na maisailalim sa genome sequencing ng phil. Genome center ang mga makokolektang samples. (Daris Jose)

Other News
  • Pagsasailalim sa MGCQ, wala pang definite date- CabSec Nograles

    WALA pang siguradong petsa kung kailan na ang buong bansa ay isasailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ).     Ang MGCQ ay protocol kung saan ay pinapayagang palawigin ang public transport at business operations at paluwagin ang restriction sa mass gathering.     Sa virtual presser ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ay sinabi nito […]

  • Gagawin ang lahat para maging best ‘Darna’: JANE, na-overwhelm sa naging endorsement ni VILMA

    OVERWHELMED si Jane de Leon dahil may endorsement sa kanya ang Star for All Seasons na si Ms. Vilma Santos bilang Darna.     Isa sa most memorable movies ni Ate Vi ay ang ‘Lipad Darna Lipad’ kung saan tatlo ang director niya – Emmanuel Borlaza, Joey Gosiengfiao at Elwood Perez.     Apat na […]

  • Here’s everything you need to know before watching “Dune: Part Two” on February 28

    Haven’t gotten around to watching the first Dune? Warner Bros. has just released a “catch-up video” to get you up to speed before watching Dune: Part Two, the highly anticipated big-screen, epic adventure of the year.  Catch up in under two minutes here: https://youtu.be/74MYxtaZN6U Tickets to Dune: Part Two are also available now. Don’t miss […]