• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lockdown sa kanya-kanyang tahanan, hiling ng Malakanyang na ideklara ng “head of the family”

HINILING ng Malakanyang sa bawat pamilya na magdeklara ng lockdown sa kanilang tahanan bago pa ang nakatakdang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila at ilang lugar sa bansa.

 

Ang National Capital Region (NCR) ay isasalalim sa ECQ mula Agosto 6 hanggang 20 para pigilan ang pagsirit ng kaso ng COVID-19 at mapigilan na rin na mapuno ang mga ospital ng mga COVID-19 patients.

 

“Huwag na tayo mag-rely sa ECQ-ECQ. Family lockdown is the solution,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Family heads, mag-declare na po kayo ng lockdown. Huwag na po ninyong palabasin ang inyong mga mahal sa buhay dahil baka mamatay pa iyan dahil sa Delta variant,” dagdag na pahayag nito.

 

Tanging ang mga essential trips lamang ang papayagan sa ilalim ng ECQ.

 

Sinabi naman ng Department of Health na maaari kasing makapanghawa ang Delta variant ng lima hanggang walong katao “in one setting.”

 

Sa ngayon, nakapagtala ang Pilipinas ng 216 Delta variant cases.

Other News
  • VP Sara, nagbukas ng 6 OVP satellite offices

    NAGBUKAS ang Office of the Vice President (OVP) sa ilalim ni Vice President Sara Duterte – Carpio ng anim na satellite offices sa buong bansa.     Sa isang Facebook post nitong Sabado ng gabi, sinabi ni Duterte-Carpio na ang OVP sa­tellite offices ay matatagpuan sa Dagupan City, Cebu, Tacloban, Zamboanga, Davao, at Tandag sa […]

  • ASSASSIN THRILLER ‘GUNPOWDER MILKSHAKE’ REVEALS STILLS

    PUT Karen Gillan, Lena Headey, Angela Bassett, Michelle Yeoh, and Carla Gugino together in an assassin thriller, and you get Gunpowder Milkshake!   The upcoming women-centric flick just released three first-look photos and it feels like we’ll be seeing an action-packed thriller with a rompy side to it (judging by their bright getups and the […]

  • Movie nina DANIEL at CHARO, magku-compete sa ‘74th Locarno Film Festival’ sa Switzerland

    ANG first feature film ni Carlo Francisco Manatad na Kun Maupay Man It Panahon (Whether the Weather is Fine) ay kabilang sa official selection ng ika-74 na Locarno Film Festival sa Switzerland, kung saan magkakaroon ito ng world premiere sa Concorso Cineasti del Presente (Filmmakers of the Present) section.     Ang Kun Maupay Man […]