• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Locsin, ipinag-utos na ang paghahain ng diplomatic protests laban sa patuloy na panghihimasok ng China sa EEZ ng Pinas

IPINAG-UTOS na ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., araw ng Huwebes, Setyembre 30, sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang paghahain ng diplomatic protests laban sa China dahil sa patuloy na presensiya nito at ng iba pang mga aktibidad sa West Philippine Sea.

 

Ang kautusan na ito ni Locsin ay isinapubliko sa pamamagitan ng serye ng kanyang tweets, isang araw matapos na sabihin ng National Security Council (NSC) sa Mababang Kapulungan sa isinagawang plenary deliberations hinggil sa 2022 budget na mayroong mahigit sa daang Chinese vessels ang paikot-ikot ngayon sa West Philippine Sea.

 

Sinabi naman ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon, na nagtanggol sa budget ng ahensiya, na ang mga barko ay lumitaw na Chinese militia, na mayroong 30 hanggang 60 metro ang haba.

 

Ayon pa sa mambabatas, ang Chinese vessels ay kumikilos mula sa isang spot patungo sa ibang spot at parang nangingisda.

 

Ang Chinese militia vessels na nagsisilbi bilang civilian vessels ay bahagi ng gray zone operations ng Beijing.

 

Si Locsin, kasalukuyan ngayong nasa Estados Unidos ay hiniling sa DFA sa pamamagitan ng Twitter na mag-protesta sa “continued presence” ng Chinese fishing vessels sa Iroquois Reef, okupadong Philippine feature sa West Philippine Sea.

 

Inatasan din nito ang DFA na i-protesta ang “China’s incessant and unlawful restriction of Filipino fishermen from conducting legitimate fishing activities” sa Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal).

 

Iinag-utos din niya sa DFA na magsagawa ng protesta sa Chinese radio challenges na “unlawfully issued against Philippine maritime patrols.”

 

Ang Western Command (Wescom) sa Palawan ay nagpahayag na noong nakaraang buwan, ang Philippine aircraft ay nakatanggap ng Chinese radio warnings ng 218 beses habang ang Wescom vessels ay nagsasagawa ng pagpa-patrol sa West Philippine Sea.

 

Sinindak din ng China ang Philippine military aircraft na nagsasagawa ng security patrols ng limang beses sa West Philippine Sea noong Hunyo.

 

Umigting naman ang matinding tensyon sa pagitan ng Maynila at Beijing noong unang bahagi ng taon dahil sa presensiya ng daan-daang Chinese militia vessels sa Julian Felipe (Whitsun) Reef sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas. (Daris Jose)

Other News
  • 1 milyong relief items kasado na – DSWD

    MAY isang milyong relief items ang inilaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lugar na posibleng tamaan ng papasok na bagyong Mawar.     Ito ang iniulat ni DSWD Secretary Rex Gatcha­lian sa isinagawang inter-agency meeting ng NDRRMC na bahagi ng preparedness measures ng pamahalaan.     Ayon kay Gatcha­lian, bukod […]

  • Drilon, Pia Cayetano nagsabong sa CREATE bill

    IMINUNGKAHI ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na hatiin sa dalawa ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) bill upang maiwasan ang paghina ng Kongreso.   “When you classify this measure as a revenue measure, then the President would have the power to exercise the line item veto over a matter, which is […]

  • UAE niluluwagan na ang mga ipinatupad na COVID-19 restrictions

    INUUNTI-UNTI na ng United Arab Emirates ang pagtanggal ng COVID-19 restrictions.     Ito ay matapos ang tuluyang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.     Isa sa mga ipapatupad ay ang pagpayag ng maximum capacity sa mga venues.     Ayon kasi sa National Emergency Crisis Management Authority na mayroon lamang 1,538 […]