Locsin personal na nag-sorry sa Chinese government
- Published on May 6, 2021
- by @peoplesbalita
HUMINGI ng paumanhin si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa Chinese government sa mga maaanghang na pahayag nito sa kanyang tweet na may kaugnayan sa presensiya ng Chinese ships sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, personal na humingi ng dispensa o paumanhin si Locsin kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.
Aniya, sinabi ito sa kanya ni Locsin sa isang phone conversation kaninang umaga.
“Personal na pananaw po iyon. Hindi po ito polisiya ng Pilipinas,” ani Sec. Roque sa naging tweet ni Locsin na nagsasabi sa mga Chinese ships na “get the f— out of Philippine waters.”
“Personal po siyang nag-apologize sa Chinese ambassador. Sa diplomacy, walang lugar ang pagmumura,” anito.
Sinabi pa ni Sec. Roque na personal na desisyon at walang nag-presyur kay Locsin na humingi ng paumain.
Wala aniyang kautusan si Pangulong Duterte kay Locsin.
Nauna rito, sinabi ni Pangulong Duterte na hindi dapat maging bastos at walang galang ang mga filipino dahil lamang sa ‘overlapping claims’ ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea (WPS).
Ang pahayag na ito ni Pangulong Duterte ay matapos magpalabas ng matatapang na salita ang kanyang mag alter ego na sina Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. at Defense Secretary Delfin Lorenzana, kaugnay sa patuloy na pananatili ng Chinese ships sa WPS.
“China remains to be our benefactor and just because, if I may just add something to the narrative, just because we have a conflict with China does not mean to say we have to be rude and disrespectful,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk To The People, Lunes ng gabi.
“As a matter of fact we have many things to thank China for in the past and itong tulong nila ngayon,” dagdag na pahayag nito.
Matatandaang, sa nagdaang Talk To The People ni Pangulong Duterte ay sinabi nito na Isang mabuting kaibigan ang China.
Pinanindigan din ng Chief Executive na hindi makikipaggiyera ang Pilipinas sa China dahil lamang sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.
Aminado si Pangulong Duterte na malaki ang utang na loob ng bansa sa China dahil sa mga donasyon nilang COVID-19 vaccines para sa mga Pilipino.
Iginiit ng Pangulo na hindi gagamit ng dahas ang bansa para ipaglaban ang ating teritoryo. (Daris Jose)
-
Nagpasalamat sa mga nakukuhang suporta at pagmamahal: VICE GANDA, naging emosyonal sa pagbabahagi ng kanyang pinagdaanan
NAGING emosyonal ang Unkabogable Phenomenal Star na si Vice Ganda na kunsaan pinost ang mismong voice recording niya. Na sa kabila pala ng tila masaya, mala-almost perfect na buhay niya at ng relasyon nila ni Ion Perez, may mga pinagdadaanan o pinagdaanan din ito nitong mga nakaraang buwan. Aniya, […]
-
Ads May 2, 2022
-
‘NCR MAYORS, NAIS ANG ‘STABLE DECLINE’ SA COVID-19 CASES BAGO HUMIRIT NG MGCQ’
NAIS umano munang makita ng mga alkalde sa Metro Manila na tuloy-tuloy na ang pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 bago irekomendang ibaba na ang rehiyon sa Modified General Community Quarantine (MGCQ). Sa ngayon kasi ay pinalawig ng Inter-Agency Task Force ang General Community Quarantine (GCQ) status ng Kalakhang Maynila hanggang sa katapusan ng […]