• February 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘NCR MAYORS, NAIS ANG ‘STABLE DECLINE’ SA COVID-19 CASES BAGO HUMIRIT NG MGCQ’

NAIS umano munang makita ng mga alkalde sa Metro Manila na tuloy-tuloy na ang pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 bago irekomendang ibaba na ang rehiyon sa Modified General Community Quarantine (MGCQ).

 

Sa ngayon kasi ay pinalawig ng Inter-Agency Task Force ang General Community Quarantine (GCQ) status ng Kalakhang Maynila hanggang sa katapusan ng Oktubre.

 

Ayon kay San Juan Mayor Francis Zamora, habang nasa GCQ ay nakakita na raw ng pagbulusok ng mga bilang ng mga nagpopositibo sa virus ang Metro Manila kahit mas maraming mga negosyo na ang binuksan at maraming mga tao na rin ang pinayagang makalabas ng kani-kanilang mga bahay.

 

Sinabi pa ni Zamora, nag- iingat daw ang mga Metro Manila mayors na tumaas muli ang bilang ng mga active cases.

 

Inihalimbawa ng alkalde ang nangyari nang niluwagan ang quarantine status ng Metro Manila mula sa pinakamahigpit na enhanced community quarantine, patungong modified ECQ at sa kasalukuyang GCQ.

 

Una rito, sinabi ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque na kuwalipikado na ang ilang mga siyudad sa NCR na ilagay sa MGCQ.

 

Pero ayon kay Roque, mahirap daw ito sapagkat ang rehiyon ay nasa iisang geographical unit lamang.

 

“Sa data po ng IATF, lumabas na may ilang mga siyudad sa Metro Manila na pupuwede na sanang mag-MGCQ,” wika ni Roque.

 

“Kaya lang napakahirap naman pong mag-MGCQ sa ilang siyudad lamang dahil alam naman po natin na ang Metro Manila ay iisang geographic unit. So kinakailangan, bumoto rin po ang mga mayor na kinakailangan isa lang ang clas- sification ng buong Metro Manila at hindi hiwa-hiwalay,” dagdag nito. (Ara Romero)

Other News
  • Pinay fencer Maxine Esteban maglalaro para sa World Cup

    LUMIPAD na ang isa sa nangungunang Pilipinong babaeng fencer sa bansa na si Maxine Esteban para ipagpatuloy ang kanyang kampanya sa ninanais na pagtuntong sa 2024 Paris Olympics.   “Off to Italy to prepare for my first post injury World Cup! Praying for a safe trip and a great performance!,” post ni Estaban bago umalis […]

  • Unang batch ng bakunang made in Russia, maaaring dumating sa Abril 12

    INAASAHAN na ang pagdagsa ng mga bakuna laban sa Covid -19 sa bansa ngayong buwan.   Sinabi ni Chief Implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez na maaaring sa darating na Lunes ay dumating na ang kauna- unahang batch ng bakuna na galing ng Russia.   Nauna na kasing sinabi ni Galvez na inaasahan ang […]

  • COVID pandemic: Nasa 3-M manggagawang nawalan ng trabaho, bibigyan ng cash aid – DOLE

    Kinumpirma ng Department of Labor and Employment (DOLE) na aabot sa 3.3 milyon ang bilang ng mga manggagawang nawalan ng trabaho dahil sa Coronavirus Disease (COVID) pandemic.   Sa naging panayam  kay Labor Secretary Sylvestre Bello III, sinabi niya na karamihan sa mga manggagawang nawalan ng trabaho ay galing sa mga restaurant, hotels, transportasyon, clerical […]