• November 6, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lola patay sa sunog sa Caloocan

ISANG 65-anyos na lola ang nasawi matapos matrap sa nasusunog nilang bahay sa Caloocan city, kamakalawa ng madaling araw.

 

 

Natagpuan ang katawan ng biktimang si Joanna Macawili, 65, ng mga tauhan ng Caloocan Bureau of Fire Protection (BFP) sa bathtub ng nasunog nilang bahay sa Marigold Street, BF Homes, Barangay 168.

 

 

Nagawa namang makaligtas ng apat na kasama sa bahay ng biktima kabilang ang dalawang menor-de-edad matapos mabilis na nakalabas sa nasusunog na bahay.

 

 

Sa halip namang makalabas ng bahay ang biktima nang sumiklab ang sunog dakong alas-3 ng madaling ay napunta ito sa loob ng banyo kung saan siya natrap.

 

 

Hindi na kumalat ang apoy sa iba pang kabahayan na umabot lang sa unang alarma at tuluyan naapula dakong alas-4 ng madaling araw.

 

 

Patuloy na inaalam ng mga tauhan ng BFP ang pinagmulan ng sunog at ang halaga ng ari-arian na tinupok ng apoy. (Richard Mesa)

Other News
  • Mahihirapan ‘pag nawala si Rayver: JULIE ANNE, wish maka-duet at makasama sa concert si SARAH

    MABILIS ang sagot ni Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose nang tanungin siya ni Boy Abunda sa “Fast Talk with Boy Abunda” last Wednesday, May 24, kung she can live without her boyfriend Rayver Cruz?     “I think it would be hard because I’ve known Ray{ver}.  I don’t see him just as a […]

  • Filipinas, 7 iba pang teams, pinuri ng FIFA sa World Cup

    Pinuri ni FIFA General Secretary Fatma Samoura ang Philippine womens’ Football team dahil sa pagpasok sa unang pagkakataon sa World Cup.   Matatandaang kabilang  ang Pilipinas at pitong iba na kinabibilangan ng Haiti, Morocco, Panama, Portugal, Ireland, Vietnam at Zambia sa mga bansa na unang sasabak sa World Cup.   Sisipa ang FIFA Women’s World […]

  • DSWD, nagbabala sa publiko sa mga impostor na empleyado ng DSWD para mag-solicit ng pera

    NAGBABALA  ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko laban sa mga impostor o nagpapanggap na kawani ng kagawaran para makalikom ng pera kapalit umano ang financial assistance mula sa kanilang programa.       Ayon kay DSWD Assistant Secretary Romel Lopez, ang mga mapapatunayang sangkot sa naturang krimen ay kakasuhan ng usurpation […]