Lolo, kalaboso sa baril at bato sa Malabon
- Published on February 28, 2025
- by Peoples Balita
BAGSAK sa kulungan ang 62-anyos na lolo nang mahuli sa akto na may bitbit na baril habang pagala-gala sa kanilang lugar at makuhanan pa ng droga sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.
Ayon kay Malabon Police Chief P/Col. Jay Baybayan, itinawag ng kanyang mga kalugar sa Police Sub-Station 2 ng Malabon police ang pabalik-balik na paglalakad ng suspek na si Lolo ‘Divino’, sa kanilang lugar sa Concepcion St. Brgy. Tugatog habang may bitbit na baril na tila may inaabanga na kaaway.
Kaagad namang nagresponde sa lugar sina P/SSg Marty Vilbar, P/Cpl. Leo Dave Legaspi, at Pat. Philmark Tongco kung saan naabutan nila ang suspek na may hawak ngang baril dakong ala-1:50 ng madaling araw.
Hindi na pinaporma ng mga tauhan ni Col. Baybayan si lolo Divino at agad dinamba kung saan nakumpiska sa kanya ang hawa na isang kalibre .40 Jericho pistola na may sampung bala sa magazine.
Nang kapkapan, nakuha pa kay Lolo Divino ang dalawang transparent plastic sachets na naglalaman ng 15.92 gramo ng shabu na nagkakalahaga ng P108,256.00.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa R.A 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition in relation to Omnibus Election Code matapos mabigong makapagpakita ng dokumento na magpapatunay na legal ang pagkakaroon at pagdadala niya ng baril, pati na rin sa paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Malabon City Prosecutor’s Office.
Pinuri NPD Acting District Director PCOL Josefino Ligan ang mabilis na aksyon ng mga tauhan ni Col. Baybayan sa pagpapanatili ng kaligtasan ng komunidad. (Richard Mesa)
-
Ads July 4, 2024
-
6 Para athletes lalaban sa gold
Ipinangako ng anim na miyembro ng Team Philippines na ibibigay ang lahat ng kanilang makakaya para makamit ang kauna-unahang gold medal sa Paralympic Games. Sasabak sina powerlifter Achelle Guion (powerlifting), taekwondo jin Allain Ganapin (taekwondo), Jerrold Mangliwan at Jeanette Aceveda (athletics), Ernie Gawilan at Gary Bejino (swimming) sa Paralympics sa Tokyo, Japan sa […]
-
5K-10K COVID-19 cases kada araw babala ng OCTA
MULING nagbabala ang OCTA Research Group na maaaring umakyat ng 5,000 hanggang 10,000 ang arawang kaso ng COVID-19 sa bansa dahil sa bagong Omicron variants. Ginawa ng OCTA ang pagtataya base sa nakita nila na pagtaas ng kaso sa South Africa dulot ng BA.4 at BA.5 variants sa New Delhi sa India dulot […]