Lolo na wanted sa rape sa Masbate, nabitag sa Valenzuela
- Published on March 8, 2025
- by Peoples Balita
MAKALIPAS ang mahigit 14-taon, makakamit na ang hustisya ng naging biktima ng 74-anyos na lolo na wanted sa kaso ng panggagahasa sa probinsya ng Masbate, matapos siyang madakma ng pulisya sa Valenzuela City, Huwebes ng tanghali.
Pansamantalang nakapiit ngayon sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela City Police Station ang akusado na si alyas “Bin”, tubong Masbate at residente ng Bagong Silang. Sucat, Muntinlupa City.
Sa ulat, dakong alas-11:40 ng tanghali nang maaresto ng mga tauhan ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban sa Valenzuela Gateway Complex, Brgy. Paso de Blas ang akusado na kabilang sa talaan ng mga ‘Most Wanted Person’ sa lalawigan ng Masbate.
Maayos namang isinilbi kay alyas Bin ng mga tauhan ni P/Capt. Ronald Bautista, hepe ng Valenzuela Police Warrant and Subpoena Section ang alias warrant of arrest para sa paglabag sa R.A. 8353 (Anti-Rape Law) in relation to R.A. 7610, na inisyu ni Presiding Judge Domingo B. Maristela Jr., ng Regional Trial Court Branch 49, Cataingan, Masbate City, noong December 16, 2011.
Ayon kay Col. Cayaban, walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang paglaya ng akusado na hinihintay na lamang ang ilalabas na commitment order para sa paglilipat sa kanya sa Provincial Jail ng Masbate.
Pinuri ni P/Col. Josefino Ligan, Acting District Director ng Northern Police District (NPD) ang mga operatiba ng Valenzuela City Police Station sa kanilang walang tigil na pagsisikap sa pagtiyak ng hustisya at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad. (Richard Mesa)
-
Na-trigger sa comment ng netizen sa pagla-like ng ‘cheating post’: CARLA, ibinuhos na ang lahat ng galit pero nanahimik lang si TOM na durog na durog
TAHIMIK pa rin ang actor na si Tom Rodriguez sa mga pinakawalang statement ng actress na si Carla Abellana laban sa kanya. Napakahaba nang naging statement ni Carla bilang sagot sa isang netizen sa kanyang Youtube vlog. Ang comment ng netizen ay ang tungkol sa pagla-like ni Carla sa “cheating” post ni […]
-
44 bagong ruta sa MM, binuksan
NAGBUKAS ng karagdagang 44 ruta ng tradisyunal na jeepney ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Department of Transportation (DOTr). Pinayagan din ng LTFRB ang karagdagang 4,820 jeep na pumasada sa ilalim ng Memorandum Circular 2020-058. Dahil dito, umabot na sa 27,016 traditional PUJs ang bumibiyahe sa 302 ruta sa Metro […]
-
Smart tv, wall fan, ceiling fan, ipinamahagi sa mga paaralan sa Navotas
NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco ang 40 smart TV, 287 wall fan, at 287 ceiling fan sa mga pampublikong paaralan na elementarya at high school. Kabilang sa mga elementarya na nakatanggap ng 55-inch smart TV at electric fan ay ang North Bay Boulevard North Elementary School, […]