Lolo na wanted sa rape, timbog sa Caloocan
- Published on August 22, 2024
- by @peoplesbalita
LAGLAG sa selda ang 67-anyos na lolo na wanted sa kaso ng panggagahasa matapos madakma ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Sa kanyang report may Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Caloocan police chief P/Col. Paul Jady Doles na nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng akusadong si alyas Porperyo.
Inatasan ni Col. Doles ang Warrant of Subpoena Section (WSS) na bumuo ng team para sa isasagawang pagtugis sa akusado.
Kasama ang mga tauhan ng Amparo Police Sub-Station (SS15), agad nagsagawa ang WSS ng joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-11:00 ng gabi sa Catmon St., Amparo Subdivision, Barangay 179.
Ayon kay Col. Doles, binitbit ng kanyang tauhan ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Rodolfo P. Azucena ng Regional Trial Court (RTC) Branch 125, Caloocan City noong January 10, 2024, para sa kasong Rape (RPC Art. 266-A).
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng Caloocan police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman para sa paglilipat sa kanya sa City Jail. (Richard Mesa)
-
Paglilipat ng mga hinatulang inmates ipinatigil ng SC
Ipinatigil pansamantala ng Supreme Court (SC) ang paglilipat sa kustodiya ng mga bilangguang pinatatakbo ng Bureau of Corrections (BuCor) ng mga bilanggong nahatulan ng korte dahil umano sa patuloy na banta COVID-19. Sinabi ni SC Court Administrator Jose Midas Marquez na lahat ng nahatulang inmates mula Hulyo 29 hanggang Agosto 31 na dapat ililipat […]
-
Balitang positibo raw sa shingles: KRIS, kailangan pa rin ng matinding dasal
İSA sa highest paid TV host ngayon ang Kapamilya aktres Anne Curtis. Hindi rin kataka-takang isa rin ang aktres sa may malalaking kinita sa mga showbiz personalities. Marami-raming celebrities na ang tinalbugan si Anne as far as showbiz earnings at isa na rito si Kris Aquino na may ilang […]
-
Big-time oil price hike, umarangkada na naman
SIMULA alas-6 ng umaga, Martes (August 30) ay ipinatupad ng mga gasoline stations ang taas presyo sa kanilang produktong petrolyo. Ayon sa Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Inc., ay magkakaroon sila ng pagtataas sa presyo ng oil products dahil sa paggalaw ng presyuhan ng mga produktong petrolyo sa World market. […]