Lolo tigbak sa mixer truck
- Published on February 13, 2021
- by @peoplesbalita
Todas ang isang 64-anyos na lolo matapos mahagip ng mabilis ang takbo na mixer truck sa Caloocan city, kamakalawa ng hapon.
Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Samuel Mina, binawian ng buhay habang ginagamot sa Jose Reyes Medical Center sanhi ng tinamong pinsala sa ulo ang katawan ang biktimang si Joey Maguire ng 101Josefina St. 3rd Avenue.
Nadakip naman ng rumespondeng mga pulis ang driver ng Howo Mixer Truck na may plakang (NDE-6931) na kinilalang si Mark Noel Galero, 24 ng Brgy. Minuyan, Norsagaray, Bulacan.
Lumabas sa imbestigasyon ni P/Cpl. Joemar Panigbatban, dakong 5 ng hapon, tumatawid ang biktima sa kahabaan ng Rizal Avenue Ext. corner 3rd Avenue, Brgy. 119 nang mahagip ito ng rumaragasang mixer truck na minamaneho ni Galero.
Sa lakas ng impact, bumagsak ang biktima sa simento kaya’t magtamo ito ng mga pinsala sa ulo at katawan na naging dahilan upang mabilis na isinugod sa naturang pagamutan.
Kasong reckless imprudence resulting in homicide ang isinampa ng pulisya kontra kay Galero sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)
-
Ads May 13, 2022
-
P7.9 bilyong COVID-19 allowance ng HCWs inilabas na
INILABAS na ng Department of Budget and Management (DBM) sa Department of Health (DOH) ang P7.92 bilyon One Covid-19 Allowance (OCA). Ang nasabing halaga ay nakalaan para sa 526,727 eligible na public at private healthcare workers (HCWs) at mga non-HCWs na ang trabaho ay may kaugnayan sa COVID-19 response. Sa nasabing […]
-
Mary Ann Maslog, isasalang sa lie detector test ng NBI
SASALANG na sa lie detector test ng National Bureau of Investigation (NBI) si Mary Ann Maslog– ang textbook scam na inakusahan na pineke ang kanyang kamatayan upang makaiwas sa pag-aresto sa kanya. Ayon sa NBI, ang lie detector test ay isasagawa kasunod ng rebelasyon sa pagkaka-ugnay ni Maslog kay dismissed mayor Alice Guo ng […]