Lone bettor, naiuwi ang P29.7-M Grand Lotto jackpot price- PCSO
- Published on November 7, 2022
- by @peoplesbalita
NAPANALUNAN ng isang bettor ang P29.7 milyong jackpot prize sa Grand Lotto 6/55 draw.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office, may isa pang tumaya na nanalo din naman ng halos P15.4 milyon na jackpot prize sa 6/42 Lotto draw.
Ang Grand Lotto draw ay nagbunga ng sumusunod na winning combination: 40-03-34-37-19-15, habang ang Lotto 6/42 winning combination ay 31-32-08-25-29-14.
Mayroon namang 12-katao na nanalo sa second prize na nagkakahalaga ng P100,000 at 22-katao ang nanalo ng P24,000 sa 6/42 draw.
Samantala, napanalunan din ng nag-iisang tumaya para sa 6D Lotto grand prize na halos P1.8 milyon at nakuha ang mga winning combination.
Matatandaan na noong unang bahagi ng nakaraang buwan, 433-katao ang nanalong tiket ang iniugnay sa P236,091,188.40 na jackpot prize ng 6/55 Grand Lotto. (Daris Jose)
-
Team Asia may 2 panalo na lamang para magkampeon sa Reyes Cup Crown
DALAWANG panalo na lamang ang kailangan ng Team Asia para makuha ang kampeonato ng Reyes Cup Crown. Ang Asia Team ay mayroong 9-3 score matapos ang tatlong araw ng billiard games kung saan ang unang koponan na makakuha ng 11 points ay siyang magkakampeon. Nitong Huwebes ay nagwagi ang Asia team […]
-
$750M loan deal para sa COVID-19 response, nilagdaan ng Pilipinas at China-led AIIB
Lumagda sa isang kasunduan ang Pilipinas sa China-led Asian Infrastructure Bank (AIIB) para sa $750 million na loan para gamitin sa COVID-19 response ng pamahalaan. Pinagtibay ng $750-million loan accord na ito ang commitment ng AIIB na maging katuwang ng Asian Development Bank (ADB) sa pag-finance sa COVID-19 Active Response and Expenditures Support (CARES) […]
-
Robredo camp, pinag-iisipan ang legal action laban sa nagpapakalat ng fake news sa social media
BILANG bahagi ng kanyang kampanya laban sa “disinformation” at kasinungalingan, kinokonsidera ng kampo ni outgoing Vice President Leni Robredo ang gumawa ng legal action laban sa mga nagpapakalat ng fake news sa social media matapos ang kanyang termino sa Hunyo 30 . “Sa darating na mga linggo at buwan, tayo ay maglulunsad ng […]