Lopez, 25 iba pa babanat sa Asian taekwondofest
- Published on June 11, 2021
- by @peoplesbalita
PANGUNGUNAHAN nina 2016 Rio de Janeiro Olympian Kirstie Elaine Alora at 2018 Indonesia Asian Games bronze medalist Pauline Louise Lopez ang 26 na manlalaro ng Philippine Taekwondo Association Team na aalis ng bansa sa Huwebes upang sumali sa 24th Asian Taekwondo Championships sa Hunyo 14-17 sa Beirut, Lebanon.
Nabatid kay national coach Dindo Simpao na ang partisipasyon ng national taekwondo jins sa apat na araw na kompetisyon ay parte ng preparasyon nila para sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Nobyembre 21-Disyembre 2.
Makakasamang kakasa sa kyorugi event nina Lopez at Alora sina Samuel Morrison, Dave Cea, Arven Alcantara, Joseph Chua, Rommel Pablo Jr., Kurt Paluelas, Veronica Garces, Laila Delo, Baby Jessica Canabal, at Rheza Aragon.
Samantalang bumubuo sa poomsae sina Jeordan Dominguez, Patrick King Perez, Rodolfo Reyes, Darius Venerable, Justin Macario, Joaquin Tuzon, Marvin Mori, June Ninoble, Rinna Babanto, Janna Oliva, Jocel Ninobla, Aidaine Laxa at Juvenile Faye Crisostomo.
Si Allain Keanu Ganapin ang tanging bet lang ng bansa para sa Paralympic event. (REC)
-
DOTr lumagda sa kontrata para sa pagbili ng 304 railway train cars ng NSCR project
LUMAGDA sa isang kontrata ang Department of Transportation (DOTr) upang bumili ng 304 railway train cars na gagamitin sa North-South Commuter Railway (NSCR) project. Ayon sa DOTr, ang NSCR project ay malayo na ang narating para sa development nito dahil nauna ng kumuha ang ahensya ng eight-car Electric Multiple Unit na gagamitin naman […]
-
PBBM, mananatiling nakatuon ang pansin na mapababa ang presyo ng langis
GINAGAWAN ng paraan ng administrasyong Marcos na mapababa ang presyo ng langis kahit pa ito’y para lamang sa Kapaskuhan. “Yun ang tinatrabaho namin ngayon, na hindi tumaas ang fuel. At least not for Christmas man lang — if we could postpone and dahan-dahanin,” ayon kay Pangulong Marcos. “Masyado nang nahihirapan ang mga tao, ” diing […]
-
Dwight Howard tiniyak ang tulong sa mga biktima ng lindol sa Taiwan
Tiniyak ni dating NBA star Dwight Howard na tutulungan niya ang Taiwan matapos na tamaan ito ng malakas na paglindol. Si Howard ay kinuha ngayon ng Taoquan Leopards ng Taiwan Basketball League mula pa noong 2022. Naglabas ito ng video kung saan tiniyak niya sa mga mamamayan ng Taiwan na tutulungan niya ang […]