LOVI, ‘di pa makapagbigay ng statement sa negosasyon ng kanyang management team kung saan pipirma
- Published on July 8, 2021
- by @peoplesbalita
NAGKAROON ng tsismis na lilipat na sa Kapamilya Channel si Lovi Poe dahil hindi na siya nag-renew ng kanyang kontrata sa Kapuso Network.
Sa presscon ng latest Viva movie The Other Wife na ginanap noong Lunes, sinabi ni Lovi na open naman daw siya sa posibilidad na makapagtrabaho rin sa ibang network kung mabibigyan ng pagkakataon.
Pero hindi raw siya pwedeng magbigay ng statement kung may negotiation ang kanyang management team sa Kapamilya channel.
“I would like to respect the confidentiality of the negotiations and I can’t say much about it,” pahayag ng award-winning actress.
Hindi rin niya sinagot ang tanong kung may pag-uusap din bang nagaganap between her management team and the Kapuso network.
Na-experience na ni Lovi ang lock in taping for her past teleseryes under GMA but this is the first time that she experienced lock in taping sa pelikula via The Other Wife na dinirek ni Prime Cruz.
“What is nice about having a lock-in taping is everyone is safe. We made sure that everyone is safe. It worked well for everybody. We have our own work station,” she said.
Nag-enjoy rin siya katrabaho sina Direk Prime at ang kanyang co-stars na sina Joem Bascon at Rhen Escano.
Ayon pa kay Lovi, underrated director daw si Direk Prime Cruz pero ang husay raw nito.
***
ANG Lockdown ang unang project ni Direk Joel Lamangan during the pandemic.
Very timely ang kwento na sinulat ni Troy Espiritu at pinagbidahan ni Paolo Gumabao.
Ayon kay Direk Joel, siya ang nagbigay ng story idea that was developed into a script.
“Sinabi namin sa writer kung anong klaseng kwento ang gusto namin. Nakasulat naman siya ng magandang script,” pahayag ni Direk Joel sa press interview after ng screening ng Lockdown last Saturday.
Bakit si Paolo ang napili among those who auditioned?
“Siya kasi ay may malaking pangalan among those who auditioned at alam kong mahusay siya. At saka ano siya, daring siya. Sinabi ko sa kanya ang requirement, okay sa kanya.
“Wala siyang kiyeme-kiyeme. Alam niya may mga daring na eksena at may frontal nudity. Game siya.”
Okay daw katrabaho si Paolo, pati ang mga co-stars na wala rin takot na ginawa ang mga maseselan na eksena kung nasaan nakita ang kanilang private parts.
“Nagawa niya (Paolo) ang gusto ko. Walang problema sa kanya. Hindi kami nagkaroon ng problema sa kanya. Kahit sa ibang artista namin, wala kaming naging problema. Lahat game.
“Walang nag-inarte. Kasi pag nag-inarte, tanggal na. Wala akong choice. We were shooting under a tight. Pag nag-inarte ka, paalisin na lang kita. Magiging istorbo ka lang sa production,” wika pa ni Direk Joel.
Nagustuhan ni Direk Joel ang movie na prinodyus ni Jojo Barron ng Love for Art Films.
Ang maganda pa sa Lockdown ay may tinatalakay itong relevant issue na intrinsic sa pelikula.
Ayon pa kay Direk Joel, inspired by true events ang mga situations sa pelikula.
“Ang daming naghirap dahil sa pandemic. Kaya napilitan ang iba na pumasok sa cybersex. Yan ang ginagawa nung iba. Nagsa-sarili online at ibinebenta ang kanilang video. Dahil sa kahirapan. Nauso yan ngayong pandemic dahil walang trabaho. Bawal lumabas,” ayon pa kay Direk Joel.
Ano ang challenge doing a film during the pandemic?
“Mahirap kasi pandemic. Limited ang movement. May takot kasi mahirap na at baka magkasakit. May Covid. Pero maingat kami. Pina-follow namin ang protocol. Wala naman sa aming nagkasakit.”
How would he rate Paolo’s performance?
“From a scale from 1 to 10, I will give him 10. He is a very good actor. Lahat ng eksena niya, take one. He is that good,” papuri pa ni Direk Joel sa lead actor ng Lockdown.
(RICKY CALDERON)
-
Mayweather at Pacquiao nanguna sa greatest boxer ng BoxRec.com
Nasa pangalawang puwesto sa bilang ‘greatest’ boxer ng BoxRec. com ang si Filipino boxing champion Manny Pacquiao. Mayroong record ang fighting senator na 62 panalo, pitong talo at dalawang draw. Nasa unang puwesto naman si US retired boxing champion Floyd Mayweather Jr dahil sa walang talo ito sa 50 na laban. Base […]
-
Anak ni DOJ Sec. Remulla nasa kustodiya ng PDEA matapos pormal na sampahan ng kaso
NASAMPAHAN na ng kaukulang kaso ang panganay na anak ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla na si Juanito Jose Diaz Remulla III. Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) spokesperson Dir. Derrick Carreon, nakasuhan na si Remulla ng paglabag sa Section 4 o importation of dangerous drugs sa ilalim […]
-
House oks drag racing ban ng PUV drivers
Isang mungkahi ng Mababang Kapulungan ang pinagtibay sa ikalawang pagsusulit tungkol sa pagbabawal ng bus at jeepney drivers na mag drag racing sa mga pangunahing lansagan. Ang mahuhuling mga bus at jeepney drivers ay papatawan ng malaking multa at parusang pagkakabilango ng isang taon. Ito ang House Bill 8916 na gawa […]