• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lowest in 5-mos: 3,117 bagong nadagdag na COVID cases sa PH

Mas mababa ang bilang ng mga naitalang bagong kinapitan ng coronavirus kumpara sa mga nakalipas na araw sa Pilipinas.

 

 

Ito ay makaraang kumpirmahin ng Department of Health (DOH) ang panibagong 3,117 na karagdagang kaso ng COVID-19 sa bansa.

 

 

Dahil dito ang mga COVID cases mula noong nakaraang taon ay nasa 2,790,375 na.

 

 

Mayroon namang naitalang maraming gumaling na nasa 5,124.

 

 

Ang mga nakarekober mula noong nakaraang taon ay umakyat pa sa 2,703,914.

 

 

Sa ngayon ang mga aktibong kaso pa sa bansa ay umaabot sa 43,185.

 

 

Sa kabila nito meron namang nadagdag na 104 na mga bagong pumanaw.

 

 

Ang death toll sa bansa dahil sa deadly virus ay nasa 43,276 na.

 

 

Nilinaw ng DOH na mayroong walong mga laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

 

 

“18 duplicates were removed from the total case count. Of these, 13 are recoveries. Moreover, 68 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation,” ani DOH sa kanilang advisory. “All labs were operational on October 30, 2021 while 8 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS). Based on data in the last 14 days, the 8 non-reporting labs contribute, on average, 0.8% of samples tested and 1.1% of positive individuals.”

Other News
  • Ads October 22, 2024

  • PBBM, tinintahan ang Loss and Damage Fund Board Act

      TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang maging ganap na batas ang Republic Act No. 12019, mas kilala bilang Loss and Damage Fund Board Act.     Ang bagong batas , nilagdaan ng Pangulo, araw ng Miyerkules, nagkakaloob ng ‘juridical personality at legal capacity’ sa Loss and Damage Fund Board, isang global finance […]

  • Julia, ‘di pa nakaka-usap ni Dennis tungkol sa isyu ng pagbubuntis

    KASUSULAT lang namin dito sa People’s Balita kahapon na planong magsampla ng demanda ni Liza Soberano sa empleyado ng internet provider na Converge ay heto at tinuluyan na niya dahil nag- file na kaagad ngayong 11AM sa Quezon City Hall of Justice.   Kasama ni Liza ang manager niyang si Ogie Diaz at abogadong si […]