• April 2, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LRT 1 AT 2, MAY FARE INCREASE

MAGPAPATUPAD ng fare increase ang LRT-1 at LRT-2 simula Agosto 2, sinabi ng Department of Transportation (DOTr) nitong Lunes.

 

 

Sa isang pahayag, sinabi ni DOTr Assistant Secretary for Railways Jorjette Aquino na fare adjustment ay pagpapabuti sa serbisyo, amenities at technical capacities ng LRT-1  at LRT-2.

 

 

Sa fare adjustment,  sinabi ni Aquino na ang LRTA ay nagbabalak na maglaan ng humigit-kumulang P110 milyon, na nagkakahalaga ng 97 porsiyento ng inaasahang P114 milyong karagdagang kita sa riles, para sa pagpapanatili, mga gastusin sa pagpapatakbo, at pagkukumpuni at pangangalaga ng mga mahahalagang sistema at pasilidad ng riles.

 

 

Nauna nang inaprubahan ng Rail Regulatory Unit ng DOTr ang mga petisyon na naglalayong taasan ang bayad sa pagsakay ng tren ng P2.29 na may karagdagang 21 centavos sa bawat kilometrong bibiyahe sa LRT-1 at LRT-2.

 

 

Dahil dito, ang minimum na boarding fee ng LRT-1 at LRT-2 ay iaakma sa P13.29 (orihinal P11) at P1.21 kada kilometro para sa bawat kilometrong bibiyahe (orihinal na P1 kada kilometro).

 

 

Inaprubahan ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang implementasyon ng fare adjustment kasunod ng Cabinet meeting sa Malacañang noong  June 6, saad ni Aquino.

 

 

Noong Hunyo 13, nakipag-pulong si Bautista kina Light Rail Transit Authority (LRTA) Administrator Hernando Cabrera at Light Rail Manila Corporation (LRMC) President at Chief Executive Officer Juan Alfonso para ipaalam sa kanila ang desisyon ipatupad ang inaprubahan pagtaas ng pamasahe.

 

 

Nakatakdang ilathala ng LRTA at LRMC ang mga inaprubahang pagsasaayos ng pamasahe sa hindi bababa sa isang pahayagan sa loob ng tatlong magkakasunod na linggo sa Hunyo 19, Hunyo 26 at Hulyo 3.

 

 

“After which, 30 days after the last publication date will be the collection date — August 2,” saad ni Aquino.

 

 

Ang LRT-1 ay tumatakbo mula Baclaran sa Parañaque City hanggang Bago Bantay, Quezon City (Roosevelt); at LRT-2 mula Recto sa Maynila hanggang Antipolo City sa Rizal. GENE ADSUARA

Other News
  • Suporta ni Biden para sa Taiwan, ‘a ‘red line’ in ties”- Xi

    NAGBABALA si Chinese President Xi Jinping sa Estados Unidos na huwag lumagpas o tumawid sa “red line” sa pagsuporta sa Taiwan.   Sa kabila nito, sinabi ni Xi sa kanyang counterpart na si Joe Biden na nakahanda ang Beijing na makatrabaho ang incoming administration ni Donald Trump.   Nagpulong sina Biden at Xi sa sidelines […]

  • P5K ayuda sa 4 milyong minimum wage earners, itinulak

    SA GITNA na rin ng mataas na inflation, isinulong sa Kamara na mabigyan ng tig-P5,000 ayuda ang nasa 4 milyong minimum wage earners sa bansa.     Kasabay nito, inirekomenda rin ni House Deputy Speaker at Trade Union Congress of the Philippines Partylist Rep. Raymond Mendoza ang pagbuo ng isang “financial assistance program” na tatawaging […]

  • ABS-CBN nagbayad ng P71.5-B buwis sa loob ng 17 taon – exec

    Aabot  ng ilang bilyong piso na buwis ang ibinayad ng ABS-CBN sa pamahalaan sa loob ng 17 taon, ayon sa isang opisyal ng kompanya.   Sa pagdinig sa Kamara, sinabi ni ABS-CBN Group chief financial officer Ricardo Tan na mula 2003 hanggang 2019, aabot ng P71.5 billion ang buwis na ibinayad ng kompanya sa pamahalaan. […]