• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LRT-1 Cavite Extension Project, 55.6% nang kumpleto – DOTr

Nasa 55.6% nang kumpleto ang konstruksiyon ng Cavite Extension Project ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1), ayon kay Department of Transportation (DOTr) Arthur Tugade.

 

 

Ayon kay Tugade, matagal nang inaasam ng publiko, partikular na ng mga taga-Cavite, na matapos ang naturang proyekto lalo na at may 19-taon na itong naantala.

 

 

Sa sandaling maging operational ang LRT-1 Cavite Extension, inaasahang mapapaikli nito ang travel time sa pagitan ng Baclaran, Pa­rañaque City at Bacoor, Cavite ng haggang 25 minuto na lamang, mula sa dating isang oras at 10-minuto.

 

 

Kaya rin nitong mag-accommodate ng 500,000 hanggang 800,000 pasahero kada araw.

Other News
  • Patuloy na lalaban kahit mas lumala pa ang sakit: KRIS, gusto pang mabuhay para kina BIMBY at JOSH

    KATULAD ng ipinangako ni Boy Abunda noong February 13, for the first time, magla-live si Queen of All Media Kris Aquino mula sa Amerika, sa ‘Fast Talk with Boy Abunda’, sa mismong araw ng kanyang birthday, February 14.   Ini-reveal nga ni Kris ang makadurog-pusong detalye tungkol sa kanyang medical conditions na gusto niyang ipaalam […]

  • IATF, hangad na iklian ang isolation period para sa mga fully vaccinated health workers

    HANGAD ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na iklian ang isolation period para sa mga fully vaccinated health workers ng limang araw.     Sinabi ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na itinalaga ng IATF ang Department of Health na mag- produce o gumawa ng specific […]

  • Baguio City, magsisimula nang tumanggap ng bisita mula sa Ilocos Region

    MAGSISIMULA na ang tourist-favorite Baguio City na tumanggap ng kanilang bisita mula sa  Ilocos region simula Setyembre  22.   Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang residente ng Region 1 na nagnanais na bumisita sa  Baguio City, kilala bilang  summer capital ng bansa dahil sa malamig na panahon ay kailangan lamang na  mag-rehistro sa  online at […]