LRT 2 East Extension tinatayang magbubukas ngayon April
- Published on March 12, 2021
- by @peoplesbalita
Inaasahang magsisimula ang operasyon ng Light Rail Transit Line 2 East Extension sa darating na April 27, 2021 matapos ang ginagawang dalawang (2) estasyon.
“Rail commuters coming from and to the east side of Metro Manila will soon experience a more convenient travel as the two (2) additional stations of the LRT2 Line 2 East Extension will finally commence operations on 27 April 2021,” wika ng Light Rail Transit Authority (LRTA).
Ang dalawang (2) bagong estasyon – ang Marikina station na nasa tapat ng Sta. Lucia Mall at Robinsons at ang Antipolo station na katapat naman ng SM Masinag – ay magkakaron ng soft opening sa darating na 26 April 2021 at kinabukasan ay magkakaron na ng buong operasyon.
Noong January 31, 2021 sinabi ng LRTA na mayron na itong naitalang 93.42 percent na completion kaya’t sa loob lamang ng halos dalawang ay magsisimula na ang buong operayon ng LRT 2 East Extension.
“The Package 1 of the project which involves the construction of the eastbound and westbound viaducts has been finished. The Package 2 which involves the design and construction is also substantially complete. Meanwhile, works are ongoing for Package 3 which covers the project’s electro-mechanical system, rails, power supply, telecommunications, and signal,” wika ni LRTA spokeperson Hernado Cabrera.
Sinabi naman ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na kinakailangan na itong matapos sa lalong madaling panahon upang mabigyan ang mga pasahero ng magandang serbisyo.
“These two (2) stations must be finished immediately so that the riding public can benefit from the project at the soonest possible time,” saad ni Tugade.
Ang 2 bagong estasyon ay ang karagdagang estasyon pagkatapos ng huling estasyon sa depot sa Pasig kung saan ito ay magtutuloy-tuloy na papuntang Masinag sa Antipolo. Kung kaya’t ang mga pasahero ay magkakaron na ng derechong paglalakbay mula Recto hanggang Masinag sa Antipolo.
Inaasahang ang travel time mula Recto papuntang Masinag sa Antipolo ay tatagal lamang ng 40 na minute.
Kapag natapos na ang proyektong ito ay inaasahang makapag sasakay pa ito ng karagdagang 80,000 na pasahero kung saan ang kabuohang ridership ay magiging 240,000 kada araw. (LASACMAR)
-
Mahigit 4-K delegates mula sa 40 bansa nakiisa sa 2024 APMCDRR
PINANGUNAHAN ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., ang opening ceremony ng 2024 Asia Pacific Ministerial conference on Disaster Risk Reduction (APMCDRR) sa PICC. Nasa mahigit 4000 mga participants mula sa 40 na bansa sa mundo ang lumahok sa international events. Ang APMCDRR ay siyang primary platform ng rehiyon para imonitor, rebyuhin at […]
-
Lacuna: Unang babaeng alkalde ng Maynila
GUMAWA ng kasaysayan si incumbent Vice Mayor Honey Lacuna makaraang maiproklama kahapon na unang babaeng alkalde ng siyudad ng Maynila. Pasado alas-7 ng gabi nang ideklara ng local board of canvassers ng Comelec si Lacuna bilang nagwagi sa mayoralty race sa Session Hall ng Sangguniang Panglungsod. Iprinoklama rin ang bagong Bise […]
-
Malakayang, nilinaw na mga OFW lang ang hindi magbabayad ng hotel quarantine sa kanilang pagdating sa bansa
BINIGYANG-linaw ng Malakanyag na ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) lamang ang mabibigyan ng libreng hotel quarantine sa harap ng bagong testing at quarantine protocol na ipinatutupad sa mga umuuwing Pinoy sa bansa. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, bagamat ikakarga sa PHILHEALTH ang bayarin sa swab test ng mga magbabalik bayang OFWs ay […]