• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LRT-2, magpapatupad ng 11-araw na limitadong biyahe

Magpapatupad ang pamunuan ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ng limitadong biyahe ng kanilang mga tren sa loob ng 11-araw, bilang paghahanda sa nalalapit nang pagbubukas ng LRT-2 East Extension Project ngayong buwan.

 

 

Batay sa inilabas na abiso ng Light Rail Transit Autho­rity (LRTA), magtatagal ang implementasyon ng naturang limitadong biyahe sa loob ng 11-araw o simula kahapon, Hunyo 12 hanggang sa Hun­yo 22.

 

 

Sa ilalim ng naturang limited operation, bibiyahe lamang ang mga tren ng LRT-2, mula sa Recto Avenue Station sa Maynila hanggang sa Cubao Station sa Quezon City at pabalik.

 

 

“Pansamantalang ma­lilimitahan ang biyahe ng mga tren ng LRT-2 bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng LRT-2 East Extension Project. Mula sa Recto hanggang Cubao station (at pabalik) lang ang biyahe. Ipapatupad ito simula ika-12 hanggang ika-22 ng Hunyo 2021,” paabiso ng LRTA.

 

 

Nangangahulugan anila ito na sarado rin muna o walang biyahe ang tatlong istasyon nito na kinabibilangan ng Anonas Station, Katipunan Station at Santolan Station hanggang sa Hunyo 22.

 

 

Kaugnay nito, naglabas din ng temporary operations schedule ang LRTA para sa mga araw na may limitadong operasyon lamang ang kanilang mga tren.

 

 

Ayon sa LRTA, ang unang biyahe ng tren mula sa Ara­neta Center-Cubao Station at Recto Station ay aalis ng 5:00AM habang ang last trip naman sa Araneta Center-Cubao Station ay 8:30PM habang 9:00PM naman ang huling biyahe mula sa Recto Station.

 

 

Matatandaang nitong nakalipas na mga buwan, nagkasa ng integration test ng signaling system ang LRT-2 mula Recto hanggang sa mga bagong istasyon nito sa Marikina at Antipolo, na bahagi ng East Extension Project ng rail line.

 

 

Inaasahang bubuksan na ang dalawang istason sa ikatlong linggo ng buwang ito. (Gene Adsuara)

Other News
  • TRAILER FOR DC SUPER HERO FILM “BLACK ADAM” ARRIVES WITH A BANG

    THE world needed a hero, it got Black Adam. From New Line Cinema, Dwayne Johnson stars in the action adventure “Black Adam.”     The first-ever feature film to explore the story of the DC Super Hero comes to the big screen under the direction of Jaume Collet-Serra (“Jungle Cruise”).     Check out the […]

  • 5 hanggang 6M doses ang ituturok ngayong Marso

    SINABI ni Vaccine czar Carlito Galvez Jr. na bumababa na ang vaccination numbers sa bansa.     Sa katunayan, 5 hanggang 6 na milyon na COVID-19 vaccine doses na lamang ang ituturok ngayong Marso.     Iniulat ni Galvez sa Chief Executive ang patuloy na pagbaba ng vaccination rate simula pa noong Nobyembre 2021.   […]

  • DEREK, dapat payuhan na ‘wag nang mag-react sa bashers at mag-move on na kay ANDREA; mag-focus na lang kay ELLEN

    SANA ay may magpayo na rin kay Derek Ramsay na hangga’t maaari, baka gusto niyang ‘wag ng magreak nang mag-reak sa mga bashers.     At move-on na rin talaga sa kasasagot o kaka-mention about Andrea Torres.     Mukhang sa halip na makuha niya ang simpatiya ng netizens sa pagsagot niya sa minsan o […]