LRT-2 may libreng sakay sa ‘Rizal Day’ tuwing rush hour
- Published on December 28, 2022
- by @peoplesbalita
MAY HANDOG na libreng sakay ang pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) sa linya ng LRT-2 ngayong Biyernes, ito habang ginugunita ang ika-126 anibersaryo ng kabayanihan ni Jose Rizal.
“May handog na LIBRENG SAKAY ang pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) sa Biyernes, ika-30 ng Disyembre, mula 7:00 a.m. hanggang 9:00 a.m., at mula 5:00 p.m. hanggang 7:00 p.m.,” wika ng LRTA sa isang pahayag, Martes.
“Ang LIBRENG SAKAY ay bilang pakikiisa ng LRTA sa mga Pilipino sa paggunita at pag-alala sa kabayanihan ni Gat Jose Rizal.”
Aalis ang unang tren sa Recto at Antipolo stations sa araw na ‘yon ng 5 a.m. Ang huling biyahe mula Antipolo ay aalis ng 9 p.m. habang 9:30 p.m. naman ito sa Recto.
Pinaaalalahanan naman ng LRTA ang mga pasahero na sumunod pa rin sa ipinatutupad na health, safety at security protocols upang makaiwas sa banta ng COVID-19 at sakuna.
Wala pa rin namang pahayag ang LRT-1, MRT-3 at Philippine National Railways kung magbibigay sila ng kahalintulad na libreng sakay sa parehong araw.
Ang lahat ng ito ay nangyayari matapos ang kontrobersiya sa kakulangan ng stored value Beep cards sa mga linya ng tren nitong mga nagdaang linggo at buwan. (Daris Jose)
-
Tatapusin na ng UP!
Puntirya ng University of the Philippines na masikwat ang kampeonato laban sa defending champion Ateneo de Manila University sa paglarga ng Game 2 ng UAAP Season 84 men’s basketball tournament ngayon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. Muling magtutuos ang Fighting Maroons at Blue Eagles sa alas-6 ng gabi kung saan […]
-
Walang face mask, arestuhin! — Duterte
Inatasan na ng Supreme Court (SC) ang lahat ng trial court judges sa buong bansa na suspindehin ang commitment orders sa mga kulungang pinamamahalaan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP). Ito ang inisyung kautusan ni Court Administrator Jose Midas Marquez bilang hiling ng Interior Secretary Eduardo Año. Para kay Año’s, ito […]
-
11-K Pulis ipakakalat sa NCR para magbigay seguridad sa paggunita ng Semana Santa
SINIMULAN na ng pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mag deploy ng nasa 11,000 police personnel sa iba’t ibang panig ng Metro Manila. Layon nito para masiguro ang seguridad para sa tahimik, maayos at mapayapang paggunita ng mga Katoliko sa Semana Santa. Ayon kay NCRPO Spokesperson, P/LtCol. Jenny […]