LRT-2, pinaikli ang byahe ngayong Bisperas ng Pasko at Bagong Taon
- Published on December 27, 2024
- by @peoplesbalita
Nagpatupad ng mas pinaikling byahe ang pamunuan ng Light Rail Transit Authority ngayong Bisperas ng Pasko at maging sa Bagong Taon.
Ang naturang shortened operations ay para sa linya ng Light Rail Transit line 2 na nagsimula ngayong araw at muling ipapatupad sa December 31.
Layon ng hakbang na ito na mabigyan ang mga frontliners ng pagkakataon na mas maagang makasama ang kanilang pamilya para makapagdiwang ng Noche Buena at Media Noche sa mga nabanggit na araw.
Ang unang tren ay umalis kaninang alas alas-5 ng umaga ngayong araw at aalis parehong oras sa December 31.
Samantala ang huling byahe para sa mga tren na magmumula sa Antipolo Station ay hanggang alas 8 lamang ng gabi habang ang tren na mula sa Recto Station ay huling aalis pagsapit ng 8:30 PM para ngayong araw.
Para naman sa December 31 , ang huling tren ay aalis sa Antipolo Station pagsapit ng alas 7 ng gabi at 7:30 PM naman para sa tren na mula sa Recto Station. (Gene Adsuara)
-
Ads June 25, 2021
-
Mayor Tiangco sa DepEd: Ipasa na ang lahat ng estudyante
NANAWAGAN si Mayor Toby Tiangco sa Department of Education (DepEd) na kung maari automatic ng ipasa ang lahat ng mga estudyante ngayong school year kasunod ng ulat ng sunod-sunod na bagong kaso ng Corona virus disease (COVID19) sa bansa. “Ang Department of Health ay naglabas ng isang update na nagsasaad na mayroon na tayong […]
-
Maraming Filipino takot pa rin na madapuan ng COVID-19 – SWS
Maraming mga Filipino pa rin ang nangangamba at natatakot na madapuan ng COVID-19. Sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) na mayroong 91 percent sa 1,200 adults ang nagsabing takot silang madapuan ng virus. Isinagawa ang survey mula Setyembre 12 hanggang 16 kung saan 76 percent dito ay nagsabing nababahal […]