• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LRT-Cavite Extension Phase 1 88% ng tapos

NAGTALA ng 88 porsiento completion ang Light Rail Transit Line 1 Cavite Extension Phase 1 matapos ang kalahating taon ng 2023 ng konstruksyon.

 

 

Ito ay ayon sa pribadong operator ng LRT Line 1 na Light Rail Manila Corp. (LRMC) kung saan sinabi na optimistic sila na matatapos ang proyekto sa darating na fourth quarter ng 2024.

 

 

“The significant progress is attributed to the completed design works, nearly completed procurement processes, ongoing construction works, and testing and commissioning,” wika ng LRMC.

 

 

Ang unang bahagi ay may 6.7 kilometro mula sa kabuohang 11 km-extension na Cavite Extension. Ito ay binubuo ng limang (5) estasyon na sa ngayon ay may iba ibang stages ng development tulad ng ongoing works ng civil works at structural, structural steel, architectural, mechanical, electrical, plumbing at fire protection.

 

 

Sa istasyon ng Redemptorist na siyang istasyon pagkatapos ng Baclaran south bound ay nakapagtala ng 59.8 porsientong kumpleto. Ang konstruksyon ay tinampok ang paglalagay ng roof sheeting at escalator.

 

 

Habang ang istasyon ng MIA na siyang pinakamalapit sa airport ay may naitalang 66.8 porsiento ng tapos. Sa ngayon ay naglalagay na ng roof sheeting at fire pump.

 

 

Kasunod ay ang istasyon sa Asia World na ikokonekta sa Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) upang magkaron ng mas convenient na paglalakbay ng mga pasahero papunta sa ibang modes ng transportasyon papunta sa kanilang mga destinasyon ay may naitalang 54.6 porsiento ng tapos. Natapos na ang paglalagay ng footbridge steelwork.

 

 

Ang istasyon sa Ninoy Aquino ay may naitalang 59.3 porsientong tapos kung saan may roof guttering, architectural builder works, equipment installation sa mga technical rooms, louvre installation at septic tank construction sa north side.

 

 

Pinakahuling istasyon sa Phase 1 ay ang Dr. Santos. Ito ay may naitalang 71.1 porsientong tapos na kung saan nailagay na ang fire pump, transformer at escalator.

 

 

Ang P69.4 billion LRT 1 Cavite expansion project ay isang public-private partnership (PPP) venture na pinayagan ng National Economic Development Authority (NEDA) noong November 2013 na may layunin na magdagdag ng 11.7-kilometer.

 

 

Magkakaron ng walong estasyon ito – Redemptorist, NAIA Avenue, Asia World, Ninoy Aquino at Dr. Santos sa Paranaque, Las Pinas at Zapote sa Las Pinas City at Niog sa Bacoor.

 

 

Kapag natapos ng tuluyan ang LRT 1 Cavite extension, inaasahan ng DOTr na magkakaroon ng 800,000 na pasahero mula sa dating 500,000.

 

 

Ang travel time mula Bacoor hanggang Central Station sa Taft, Manila ay mababawasan ng 1 oras at 45 na minuto. Sampu (10) minuto naman ang mababawas  papuntang Roosevelt station sa Quezon City mula sa Taft station kahit na rush hours.

 

 

Ang LRMC consortium na binubuo ng Metro Pacific Investments Corp.’s Metro Pacific Light Rail Corp., Ayala Corp.’s AC Infrastructure Holdings Corp., at Macquarie Infrastructure Holdings (Philippines) PTE Ltd. ay siyang nanalo ng kontrata para sa pagtatayo ng LRT-Cavite extension project. LASACMAR

Other News
  • Ads December 19, 2020

  • Ads August 10, 2022

  • LRT 2’s “Beshy, birthday mo rin ba?” inilunsad

    “BESHY, birthday mo rin ba.”       Ganito ang nakalagay sa social media post ng Light Rail Transit Line 2 (LRT2) kung saan ipinahayag ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang pagbibigay ng libreng sakay sa mga pasahero na nagdiriwang ng kanilang kaarawan ngayon buwan ng July.       Nagbibigay ng […]