LRT Line 1 Cavite Extension higit sa 50 percent ng kumpleto
- Published on January 25, 2021
- by @peoplesbalita
Ipinahayag ng Department of Transportation (DOTr) na ang first phase ng Light Rail Transit Line 1 (LRT1) Cavite extension ay higit ng 50 percent na kumpleto.
“The LRT 1 Cavite Extension is now more than halfway to completion of the partial operability section until Sucat station, as we report an overall progress rate of 51.61% as of December 31,” wika ng DOTr.
Ang mga activities na ginagawa na ngayon sa proyekto ay ang bored piling, pier/portal column works at foundation works.
Kasama sa mabilis na pagtatayo ay ang pagpapalawak ng dating depot station sa Baclaran at ang pagtatayo rin ng bagong building para sa satellite depot sa Zapote station.
Inaasahang magkakaron ng initial na operability sa darating na katapusan ng taong 2021.
Ayon naman kay LRMC spokesperson Jacqueline Gorospe na ang kanilang kumpanya at DOTr ay kinakailangan magkasundo at magkatugma ang mga time lines sa mga activities sa ginagawang construction.
“They are well all aware of the possible adjustments given the pandemic works,” saad ni Gorospe.
Ang P69.4 billion LRT 1 Cavite expansion project ay isang public-private partnership (PPP) venture na pinayagan ng National Economic Development Authority (NEDA) noong November 2013 na may layunin na magdagdag ng 11.7-kilometer Baclaran-Bacoor, Cavite segment mula sa dating 18.1 kilometer train line.
Ang unang phase ng extension ay may pitong (7)-kilometro na kahabaan na may limang (5) stations sa pagitan ng Redemptorist Church sa Baclaran at Dr. Santos sa Paranaque. Samantalang ang tatlo (3) stations ay matatapos pa sa 2022.
Ang LRMC consortium na binubuo ng Metro Pacific Investments Corp.’s Metro Pacific Light Rail Corp., Ayala Corp.’s AC Infrastructure Holdings Corp., at Macquarie Infrastructure Holdings (Philippines) PTE Ltd. ay siyang nanalo ng kontrata para sa pagtatayo ng LRT-Cavite extension project.
Magkakaron ng walong stations ito – Redemptorist, NAIA Avenue, Asia World, Ninoy Aquino at Dr. Santos sa Paranaque, Las Pinas at Zapote sa Las Pinas City at Niog sa Bacoor.
Kapag natapos ng tuluyan ang LRT 1 Cavite extension, inaasahan ng DOTr na magkakaron ng 800,000 na pasahero mula sa dating 500,000 na pasahero.
Ang travel time mula Bacoor hanggang Central Station sa Taft, Manila ay mababawasan ng 1 oras at 45 na minuto at 10 minuto naman papuntang Roosevelt station sa Quezon City kahit na rush hours. (LASACMAR)
-
NAVOTAS NAGBIGAY NG P1.5M AYUDA SA ‘ODETTE’ SURVIVORS
NAGBIGAY ng tulong cash aid ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa limang local government units na lubhang naapektuhan ng Bagyong Odette. Sa pamamagitan ng City Disaster Risk Reduction Management Office, nagbigay ang Navotas ng kabuuang P1.5 milyon sa local na mga opisyal ng Dapa, Surigao Del Norte; Ilog, Negros Occidental; Gingoog, Misamis Oriental; […]
-
Kahit noong October pa ang birthday niya: RHIAN, patuloy pa rin sa pagbigay ng kawang-gawa sa mga single mothers
TUMALAB ang pagpaparinig at pagpaparamdam ni Valeen Montenegro sa kanyang boyfriend na si Riel Manuel na gusto na niyang magpakasal. Heto at nag-propose na noong nakaaraang November 24 si Riel kay Valeen. Pinost ni Valeen ang special moment na ito sa kanyang Instagram na may caption na: “Easiest YES!!! What seemed […]
-
CHRISTIAN, first time na gawin ang bed scene and torrid kissing scene with SEAN dahil kay Direk JOEL
SINA Diego Loyzaga at Christian Bables ay mga Bekis on the Run, sa pinaka-aabangan na comedy-drama movie ng award-winning direktor na si Joel Lamangan, exclusive sa VIVAMAX ngayong September 17. Sinubukan ni Andres (Diego) at ng kanyang bading na kapatid na si Donald (Christian) na nakawan ang isang construction site, ngunit wala sa plano nila ang […]