• February 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTFRB: 2,000 UV Express units balik kalsada

HALOS mayroong 2,000 UV Express units ang pinayagan muli ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na bumalik sa kanilang operasyon.

 

Ayon sa LTFRB may kabuohang 6,755 na UV Express units ang magkakaron ng operasyon sa 118 na pinayagang ruta sa Metro Manila matapos ang huling batch ng 2,428 na units maging operational.

 

Ang mga bagong ruta na pinayagan ay ang mga sumusunod: Karuhatan-North Road Rail Station Terminal; Karuhatan-SM North EDSA/Trinoma; Robinson’s Novaliches-Vito Cruz at Buendia; Rosario- McKinley Hills; San Bartolome-MRT North Avenue Station; San Roque-Commonwealth Market; SM Fairview-Buendia at TM Kalaw.

 

Kasama rin ang rutang SM North CIT-TM Kalaw; SM South Mall- Lawton; Sto. Nino-Ayala at Ortigas Center; Sucat-Lawton; Tandang Sora –TM Kalaw;Trinoma –Robinson’s Novaliches; Rodriquez-Araneta at Cubao; at Montalban Central Terminal-Cubao Central Terminal.

 

Sinabi ng LTFRB sa mga operators na hindi na nila kailangan kumuha ng special permits upang makapag operasyon subalit kailangan nilang kumuha ng downloadable QR code at mag observed ng minimum health at safety standards.

 

Pinaalalahanin ng ahensiya na ang public utility vehicles ay kinakailangan magkaron ng valid certificates of public convenience bago sila mag operasyon.

 

Sa ilalim naman ng Memorandum Circular 2020-066, ang lahat ng UV Express units ay kinakailangan din na may Personal Passenger Insurance policy.

 

Wala rin na fare hike ang papayagan maliban kung pinayagan ng LTFRB. Dapat lahat ng regulasyon ng LTFRB ay kanilang susundin at kung hindi mapipilitan ang LTFRB na bigyan ng multa ang mga operators.

 

“Anyone caught violating these rules would be penalized, fined and their permits revoked,” sabi ng LTFRB.

 

Samantala, ang LTFRB ay pinayagan ang may kaubohang 33,163 na traditional jeepneys ang magkaron ng operasyon sa 371 na ruta; 4,499 buses sa 35 na ruta; 387 na point-to-point shuttles sa 34 na ruta; at 865 na modern jeepneys sa 48 na ruta.

 

Mayron namang kabuohang 305 na provincial buses ang pinayagan din na magkaron ng operasyon.

 

Ang Taxis naman ay 20,964 at 25,068 Transport Network Vehicle Services ang may operasyon sa Metro Manila. (LASACMAR)

Other News
  • Duque bumanat kay Locsin sa 50 milyong ‘syringe deal’

    Tahasang tinawag ni Health Secretary Francisco Duque III na kasinungalingan ang akusasyon ni Fo­reign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa umano’y paglaglag muli ng pamahalaan sa isang deal para makabili ng 50 milyong pirasong ‘syringe’ na gagamitin sa ‘vaccination program’ ng bansa.     “Hindi totoo ‘yun. Kasinungalingan ‘yun, puro kasinungalingan ‘yun,” giit ni Duque […]

  • Pagbabago sa presyuhan ng asukal sa World Market, posibleng maramdaman ng PH

    MAAARING maramdaman din ng mga Pilipino ang epekto ng pagtaas ng presyo ng asukal sa pandaigdigang merkado.     Batay kasi sa prediksyon ng ilang mga international think tank, maaaring tataas ang presyo ng asukal sa ibat ibang bahagi ng mundo, dahil sa El Nino phenomenon.     Katwiran ng mga firm, ang El Nino […]

  • KASO NG DENGUE SA MAYNILA, MANAGEABLE PA

    HINDI pa  nakakaalarma at “manageable” pa ang mga kaso ng dengue sa lungsod ng Maynila.     Ito ang pahayag ni Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Head Arnel Angeles  kasabay ng isinagawang fogging at misting operations sa Maynila ngayong araw, Biyernes.     Partikular sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, na […]