Mga nasa collegiate athletes sa UAAP, binigyan na ng go signal ng IATF para makapag-praktis
- Published on September 11, 2020
- by @peoplesbalita
PUWEDE nang makapag- ensayo ang mga koponan na kabilang sa University Athletic Association of the Philippines o UAAP.
Inaprubahan na kasi ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagpa- praktis ng mga student athletes ng Collegiate athletics association.
“Iyong mga fans ng UAAP, magpa-practice na po ang ating mga teams,” ayon kay Presidential spokeperson Harry Roque.
Ani Sec. Roque na saklaw ng IATF approval ang mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine at Modified General Community Quarantine.
Kaugnay nito’y sinabi ni Sec. Roque na kailangan pang maglabas ng guidelines ang Commission on Higher Education o CHED tungkol dito.
“pinapayagan na po ang training ng mga student athletes ng collegiate athletics associations subject sa guidelines na ilalabas ng Commission on Higher Education,” aniya pa rin.
Kamakailan lamang ay nagkaroon ng kontrobersiya sa ginawang pagpapraktis ng UST basketball team na growling tigers sa Sorsogon na nauwi sa pagsisiyasat. (Daris Jose)
-
‘Tiyakin na nasusunod ang social distancing sa mga kampanya sa 2022 elections’
Pinatitiyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Commission on Election (COMELEC) na nasusunod ang social distancing sa mga dumadalo ng campaign rallies sa nalalapit ng 2022 elections. Sa kanyang talk to the people nitong Lunes ng gabi, nagbabala ang pangulo sa pagkakaroon ng recontamination kapag hindi nasunod ang safety protocols ngayong panahon ng kampanya. […]
-
“BULLET TRAIN” OPENS AT NO.1 IN GLOBAL BOX-OFFICE, ARRIVES IN PH AUG 10
THE worldwide box-office hopped aboard Brad Pitt’s blockbuster express as Columbia Pictures’ action-thriller Bullet Train revved up $62.5M in its opening weekend to capture the No.1 spot globally (US and international) for the August 3 to 7 frame. [Watch the film’s latest trailer at https://youtu.be/Wcl-GVVQUDc] The UK led all 57 markets with a 5-day total of […]
-
P73.2B inilaan sa COVID-19 vaccine ng 60M Pinoy
Naglaan ng P73.2 bilyon ang pamahalaan para sa 60 milyong Filipino mabakunahan kontra coronavirus disease (COVID-19) ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III. “Ang total niyan is about P73.2 billion financing. That’s pretty much almost fixed… [that] is good for 60 million people to be vaccinated,” saad nito sa Pangulo sa ginanap na briefing, […]