• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTFRB: 97% ng PUJs ang consolidated sa MM

MAY naitalang 97.18 porsiento ang bilang ng mga public utility jeepneys (PUJs) sa Metro Manila ang sumailalim sa consolidation noong 2023, ito ay ayon sa datus ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

 

 

 

Sinabi ni LTFRB regional director Zona Russet Tamayo na walang magiging problema ang pampublikong transportasyon sapagkat may sapat na contingency plans ang LTFRB kung magkaron ng hindi inaasahang pangyayari dala ng consolidation.

 

 

 

“Right now, we have coordinated with Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) as well as different LGUs in case that there be need. But right now, we have mapped out for NCR and we already determined that there will be sufficient supply of public transportation,” ayon kay Tamayo.

 

 

 

Sinigurado ng LTFRB na may sapat na mga PUJs upang magbigay ng serbisyo sa mga pasahero matapos ang may 70 porsiento ng mga prangkisa ay sumailalim na sa consolidation sa buong bansa.

 

 

 

Dagdag pa ni Tamayo na karamihan sa ruta sa NCR ay may consolidation na rin at may iba pang modes ng transportasyon ang may operasyon tulad ng buses, UVs at PUJs.

 

 

 

“The routes in NCR which have not consolidated were considered as short distance routes. However, these short distances can already be covered by longer routes,” saad ni Tamayo.

 

 

 

Matapos ang binigay na deadline noong Dec. 31, 2023, ang board ay nagbigay na ng circular order para sa mga non-consolidating na mga prangkisa kung saan nila rerepasuhin ngayon January kung ang mga nasabing ruta ay may 60 porsiento or mas mababa pa ang bilang ng consolidated na prangkisa o kung wala talagang consolidation na nagawa.

 

 

 

Binigyan diin ni Tamayo na ang mga PUJs na walang consolidation ay hindi na puwedeng magbiyahe simula February 1 sa kanilang ruta.

 

 

 

Samantala, ang Department of Transportation (DOTr) ay nagbibigay ng tulong sa mga drivers at operators na hind sumali sa consolidation. May programa ang pamahalaan tulad ng “EnTSUPERneur” initiative ng Department of Labor and Employment (DOLE) at “Tsuper Iskolar” ng Technical Education and Skills Development (TESDA) na naglalayon na mabigyan ng kabuhayan ang mga drivers at operators na naapektuhan ng PUVMP.

 

 

 

“We have allocated funding to the EnTSUPERneur program to aid DOLE in rolling out its DOLE Integrated Livelihood Program (DILP), aimed to provide capital and capacity building on livelihood and entrepreneurship for affected workers,” wika ng DOTr.

 

 

 

Ang “Tsuper Iskolar” naman ay magbibigay ng scholarships at livelihood training sa mga drivers at operators kasama ang kanilang pamilya. LASACMAR

Other News
  • Paglobo ng COVID-19 ikokonsidera sa quarantine status sa Abril

    Nilinaw ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na nakasalalay sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 ang magiging quarantine status sa Abril.     Sinabi ni Nograles na patuloy ang kanilang pagmomonitor sa mga nangyayari ngayon sa pagtaas ng bilang sa Pasay City at iba pang areas ng Metro Manila.     Ang genome sequencing ang kaila­ngan […]

  • GILAS PILIPINAS, NAKAHANDA NA SA FIBA ASIA CUP 2021 QUALIFIERS

    NAKAHANDA ang Gilas Pilipinas sa kanilang pagsabak sa mga laro ng FIBA Asia Cup 2021 qualifiers sa Manama, Bahrain.   Isasagawa ng nasabing bansa ang “bubble” type game sa group A at D.   Kasama kasi sa Group A ng Pilipinas ang South Korea, Indonesia at Thailand habang sa Group D naman ay binubuo ng […]

  • 20 PNP quarantine control points itinalaga sa mga boundaries ng NCR-Plus Bubble

    Naglabas na ng listahan ang Philippine National Police (PNP) ng mga lugar na nilagyan nila ng quarantine control points.     Ito’y makaraang isailalim sa bubble general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila, Bulacan, Cavite,Laguna at Rizal dahil sa patuloy na pagtaas na kaso ng COVID 19.     Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Ildibrandi […]