LTFRB: Jeepney operators pinag-iisipan kung bibigyan ng five-year na prangkisa
- Published on November 22, 2023
- by @peoplesbalita
ANG Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay pinag-iisipan kung bibigyan ng five-year provisional na prangkisa ang mga jeepney operators kung saan ito ay magiging isa sa mga kasagutan sa mga hinihingi ng mga drivers at operators ng public utility jeepneys (PUJs) na nag welga noong Lunes.
Isa ito sa mga pinag-usapan sa negosasyon na ginawa sa pagitan ng LTFRB at PISTON na maglulunsad ng welga sa loob ng tatlong araw simula noong nakaraang Lunes. Kanilang piproprotesta ang gagawing consolidation na magtatapos sa Dec. 31.
May agam-agam ang mga drivers at operators na ang ganitong programa ay siyang puputol sa kanilang pinagkukunan ng kabuyahan.
“The concept is that when you modernize, it can’t be done individually, in bits and pieces. Your modernization won’t progress if you do it one at a time. However, we are giving them a very long time, at least around three years,” wika ni LTFRB chairman Teofilo Guadiz III.
Ayon sa LTFRB maaaring silang bigyan ng five-year na prangkisa kung sila ay lalahok sa ginagawang programa sa modernization ng jeepneys.
Bibigyan din ang mga public utility vehicles ng hustong panahon upang sila ay mag consolidate bilang isang kooperatiba o korporasyon. Binigyan diin ni Guadiz na ang madaliang gagawing consolidation ay hindi kailangan upang makumpleto ang proseso sa araw ng deadline.
“By mere filing, you can be considered consolidated,” dagdag ni Guadiz. Sa ngayon, ang mga PUJs ay binibigyan lamang ng isang taon na provisional authority para magtugma sa deadline na itinakda para sa programa ng modernization. Subalit kapag sila ay sasama na agad sa programa ay puwede na silang mabigyan ng five-year provisional authority.
“As of now, we’re only giving them one-year provisional authority to time it with the modernization program. But the moment that they join the modernization program, we can provide them with a five-year authority,” saad ni Guadiz.
Nilinaw rin ni Guadiz na ang mga drivers at operators na sumama at lumahok sa nakaraang welga ay hindi mapaparusahan na siyang kasalungat sa sinabi noong Nov. 16 na kung saan sinabi ng LTFRB na ang sasama ay magkakaron ng suspensyon at rebokasyon ng kanilang franchises.
Samantala, naghain naman si Rep. Wilbert T. Lee ng AGRI Party list ng isang resolusyon sa Mababang Kapulungan upang hikahatin ang LTFRB, Land Bank of the Philippines (LBP) at Development Bank of the Philippines (DBP) na magkaron ng streamlining sa mga requirements at simplihan ang proseso ng pagpapatupad ng programa sa modernization ng PUJs.
“Through this proposal, we aim to expedite the process, reduce or shorten the requirements so that everyone is encouraged and able to comply with the implementation of PUV modernization,” wika ni Lee.
Sinabi kasi ng PISTON na masyadong mataas ang presyo ng modern jeepneys kung saan mahihirapan sa pinanasyal ang mga drivers at operators sapagkat magkakaron sila ng malaking pagkakautang. yon sa kanila ang isang unit ay nagkakahalaga ng P2.8 milyon.
Maliban sa loans mula sa mga financial institutions, ang pamahalaan ay magbibigay rin ng P200,000 hanggang P350,000 na subsidy sa mga operators na lalahok sa programa.
Ayon kay Guadiz ay hindi ito isang utang dahil ibibigay ito sa lahat ng mga operators bawat isang unit na sasakyan na kanilang i-modernize.
Maliban sa PISTON, lalahok din ang Manibela sa nasabing welga upang iprotesta ang parehas na reklamo. LASACMAR
-
BOOSTER SHOT, MAY GO SIGNAL NA
NAGBIGAY na ng go signal ang Department of Health para sa booster at karagdagang dose ng COVID-19 vaccines para sa healthcare workers, mga senior citizens at para sa eligible priority groups sa 2022. Ang booster shots at karagdagang doses ng bakuna ay kasunod ng rekomendasyon noong Oct. 13 ng Health Technology Assessment Unit […]
-
DILG, kinumpirma ang intel ukol sa plano na guluhin ang inagurasyon ni Bongbong Marcos
KINUMPIRMA ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang intelligence reports kaugnay sa di umano’y plano na guluhin ang inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Tiniyak ng DILG na nakahanda ng ang mga pulis na tugunan ang mga pagbabanta. Sinabi ni DILG spokesperson at Undersecretary Jonathan Malaya na […]
-
Flood control project ng MMDA nakumpleto na
NATAPOS na ngayong taon ang kabuuang proyekto sa flood control ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na una nang binanggit ng Commission on Audit (COA) na naantala noong 2021. Ipinaliwanag ni Engineer Baltazar Melgar, pinuno ng MMDA Flood Control and Sewerage Management Office (FCSMO), at kasalukuyang officer-in-charge ng MMDA, ang naka-program na 59 […]