• July 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTFRB: Libreng sakay babalik

TINITINGNAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang posibleng pagbabalik ng programa sa libreng sakay para sa EDSA carousel sa darating na ikalawang quarter ng taon.

 

 

“The government has allotted funding for the librengsakay program but has yet to download the amount to the agency,” wikani LTFRB technical division head Joel Bolano.

 

 

Mayroong P2.16 billlion na pondo ang nakalaan sa 2023 subalit mas mababa ito sa pondong binigay noong mga nakaraang taon.

 

 

Ginagawa pa ng LTFRB at Department of Transportation (DOTr) ang guidelines para sanasabing programa sa libreng sakay. Dagdag pa niBolanonamaaaring ang dalawang existing bus consortiums ang magpatuloy ng operasyon o di kaya ay isailalimsa contracting service para sa EDSA carousel.

 

 

Samantala, nagbukas ang LTFRB ng siyam (9) na bagong ruta para sa mga public utility bus (PUVs) upang mapunan ang tumataas na passenger demand sa Metro Manila.

 

 

Ang mga nasabing ruta ay nasa area ng Metro Manila Urban Transportation Integration Study Update and Capacity Enhancement Program (MUCEP). Ang Franchise Planning and Monitoring Division ng LTFRB ang siyang nag -evaluate para sa kailangang karagdagang public land transportation services dahilnakitana may tumataasna passenger demand sa ilalim ng MUCEP area matapos ang kaukulang monitoring at ground validation na ginawa.

 

 

Kung kaya’t naglabas ang LTFRB ng Memorandum Circular 2022-083 kung saan nakalagay ang mga guidelines na naging epektibo noong Dec. 26.

 

 

“Under the guidelines, the new routes shall be opened to all interested applicants who have consolidated operations and have brand new units or have units that are compliant with the Omnibus Franchising Guidelines,” wika ng LTFRB. Ang deadline para sa submission ng mga dokumento ay nilagay ng 10 araw mula sa effectivity ng issuance.

 

 

Ang mga bagong bukas na bus ruta ay ang mga sumusunod: Antipolo-Mckinley Hill via FVR Road, C-5; Antipolo-Mckinley Hill via C-6; Mckinley Hill-Southwoods Mall Transport Terminal; Ayala-Southwoods Mall Transport Terminal; Alabang-Naic via Governor’s Drive at Cubao-Dasmarinas via Governor’s Drive.

 

 

Habang ang mga bagong ruta na binuksan para sa point-to-point bus service ay ang Ninoy Aquino International Airport-Alabang, NAIA-Cubao at NAIA-Ortigas central business district.  LASACMAR

Other News
  • AFC Cup 2020 kinansela na dahil sa COVID-19 pandemic

    Kinansela na ang Asian Football Confederation ang AFC Cup 2020 dahil sa coronavirus pandemic.   Ayon kay AFC President Shaikh Salman bin Ebrahim Al Khalifa , na isinaalang-alang nila ang kaligtasan ng lahat kaya minabuti nilang kanselahin ang torneo.   Mula pa noong Marso ay kanselado na ang mga laro at nakatakda sana itong ituloy […]

  • Penitential walk ng mga pari sa Archdiocese of Manila, hindi isang political rally

    Binigyang diin ng pamunuan ng Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church na tanging mga Pari lamang ng Archdiocese of Manila ang kabilang sa Penitential Walk sa unang araw ng Hunyo na idineklara din bilang ‘Day of Prayer and Fasting’ sa arkidiyosesis.     Ayon kay Rev. Fr. Douglas Badong, Parochial Vicar ng […]

  • TRICYCLE DRIVER TIMBOG SA PANUNUHOL SA PARAK

    KALABOSO ang isang 47-anyos na tricycle driver matapos at tangkain suhulan ng pera ang mga pulis na nag-isyu sa kanya ng ordinance volation receipt (OVR) dahil sa paglabag sa traffic restriction code sa Malabon City, kahapon ng umaga.     Nahaharap sa kasong paglabag sa Art 212 of RPC o ang Corruption of Public Official […]