• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTFRB: Mahigit sa 10,000 operators pa ang inaasahang mag consolidate ng prangkisa

INAASAHAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na may mahigit sa 10,000 na mga operators ang mag consolidate pa ng kanilang prangkisa at sasali sa Public Transport Modernization Program (PTMP) ng pamahalaan.

 

 

Ito ay ayon sa LTFRB matapos na muling buksan noong nakaraang Oct. 15 ang aplikasyon sa mga jeepeney drivers at operators na lumahok sa PTMP.

 

 

“We have 83.5 percent that have already completed consolidation. So, of the 190,000, about 160,000 plus are considered consolidated. We expect about 10,000 more will be consolidated,” wika ni LTFRB chairman Teofilio Guadiz III.

 

 

Sinabi ni Guadiz na ang deadline para sa consolidation ay sa darating na November 29 at ayon sa kanya ay hindi na nila pahahabain ang nasabing deadline.

 

 

“The deadline would be up to November 29 and it would not be extended further. All they have to do is to signify or enroll that the operator or driver is joining the program. After the enrollment, it will only be one day to process the application. It is sufficient that one is enrolled in the program for them to be given franchise and they will also be entitled to fuel subsidy and for them to be given funds for the service contracting on” libreng sakay” program of the government,” saad ni Guadiz.

 

 

Nagkaron ng panibagong extension sa deadline ang prorama dahil sa pakiusap ng Senado na dapat ay magbigay pa ang LTFRB ng window time para sa mga hindi nakasama at ng sila ay makapag take advantage sa programa ng pamahalaan.

 

 

Dagdag pa ni Guadiz na hindi kinakailangan na bumili sila agad ng bagong sasakyan sapagkat ang programa ay hinati sa mga bahagi. Ang unang aspeto ay dapat muna na sumailalim sila sa consolidation sa isang ruta upang magkaron ng tinatawag na monitoring ng ruta sa isang lugar upang magkaron ng magandang resulta.

 

 

Tungkol naman sa sinasabing pagkabigo ng programa, sinabi ni Guadiz na kanilang ginagawan na ng paraan ang mga problema sa programa. May nagsabing lumaki lamang ang utang ng mga operator at driver at hindi na makapagbayad dahil sa bumili ng mga bagong sasakyan. Ayon sa kanya, sa ngayon ay nakikipag-usap sila sa Landbank na unahin muna na bigyan ng fuel subsidy at pondo para sa libreng sakay ang mga may problema sa pagbabayad ng kanilang units.

 

 

Samantala, patuloy pa rin ang pagtutol ng grupong Manibela at Piston sa programa ng pamahalaan tungkol sa pagpapatupad ng PTMP sa pamamagitan ng pagwewelga at protesta sa lansangan. LASACMAR

Other News
  • PCOO, nakiisa sa Filipino-Chinese community sa bansa na nagdiwang ng Chinese New Year

    NAGPAABOT ng pagbati ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) at nakiisa sa pagdiriwang ngayon ng Filipino-Chinese community ng kanilang Chinese New year.   “Happy Lunar New Year, Xīnnián kuàilè to everyone!,” ayon kay PCOO Sec. Martin Andanar.   Ani Andanar ang taong 2020 ay naging isang mapaghamong taon sa maraming paraan para sa lahat at […]

  • Outgoing Education Secretary Leonor Briones, binati si Vice-president elect Sara Duterte kasabay ng inagurasyon

    BINATI ni Outgoing Education Secretary Leonor Briones si  Vice President-elect Sara Duterte, sa inagurasyon nito ngayong araw ng Linggo, Hunyo 19.     Si Duterte ang mamumuno sa  Department of Education (DepEd) sa ilalim ng administrasyong  Marcos.     “Together with the entire Department of Education (DepEd) family, I congratulate you on your inauguration on […]

  • 4 timbog sa buy bust sa Valenzuela, P212K shabu, nasabat

    MAHIGIT P.2 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa apat na hinihinalang drug personalities matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.     Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Salvador Destura Jr, ang mga naarestong suspek bilang sina Mamerto Canaveral alyas “Tor”, 55, Nestor Baltazar, 46, […]