LTFRB: May 35,515 na taxis at TNVS ang bumalik na sa operasyon
- Published on June 18, 2020
- by @peoplesbalita
Pinayagan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang may mahigit sa 35,000 na taxis at transport network vehicle service (TNVS) units na mag operate upang magbigay ng serbisyo sa mga commuters sa Metro Manila sa ilalim ng general community quarantine (GCQ).
May 18,514 na TNVS at 16,701 taxis ang pinayagan ng pumasada sa Metro Manila.
Habangang LTFRB naman ay pinaalalahanan at iginiit sa mga drivers at operators na sumunod sa mahigpit na health at safety protocols kung sila ay pumapasada lalo na kung may sakay na pasahero upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
“Safety precautions include the mandatory wearing of face masks and gloves, disinfection of vehicles and putting up barriers between the driver and the passenger,” ayonsa LTFRB. Kasama rin ang pagsusuot ng face mask sa lahat ng oras ng mga pasahero.
Pinaalalahanan din ng LTFRB ang mga TNVS at taxi drivers na magpatupad ng itinakdang seating capacity ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emergency Infectious Diseases (IATF) sa kanilang mga units.
Wala namang inaasahan na pagtaas ng pamasahe sa taxis at TNVS. Cashless transactions lamang ang pinapayagan pamamaraan ng pagbabayad ng pamasahe sa taxi at TNVS upang maiwasan din ang pagkalat ng COVID-19.
Samantala, pinayahag din ng LTFRB na bubuksan nila ang 31 bus routes sa June 19 habang ang public transportation ay nananatiling limitado pa rin dahil sa COVID-19.
Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgrana may nauna ng 15 bus routes ang nabuksan at maliban dito ang LTFRB din ay naghahanda na rin na muling buksan ang mga routes para sa provincial buses kapag muling nagsimula na ang lahat ng public transportation sa Metro Manila.
Para sa Phase 1, mula June 1 hanggang 21, ang Department of Transportation (DOTr) ay pinayagan ng mag operate ang trains, bus augmentation services, taxis, transport network vehicle services, shuttle services, P2P buses, at bicycles ngunit sa limitadong capacity lamang.
Pinayagan na rin ang mga tricycles na pumasada bago pa man ang Phase 1 subalit kailangan may approval ng mga local government units.
“For preparations for provincial buses, we are looking at integrated terminal exchange like the PITX, which is already open to become a terminal for all provincial buses,” dagdag ni Delgra. (LASACMAR)
-
RACHELLE ANN, natupad ang wish na makasama sa London ang kanyang mommy bago isilang ang first baby nila ni MARK
NATUPAD ang wish ng international stage actress-singer na si Rachelle Ann Go-Spies, na makasama sa London ang Mama Russell niya, ngayong ilang araw na lamang at magsisilang na siya ng first baby nila ng American businessman husband niyang si Mark Spies. Hindi siya umasa na makararating ang ina dahil sa pandemic na nararanasan […]
-
KATRINA, wini-wish ni Direk LOUIE na manalo ng acting award sa ‘AbeNida’
NATAPOS na ni Direk Louie Ignacio ang shooting ng kanyang passion project titled AbeNida under BG Productions International. Matagal nang pangarap ni Direk Louie na gawin ang kwentong ito na ang script ay isinulat ng award-winning writer-director na si Ralston Jover. It took eight years before AbeNida came into fruition. Hinintay […]
-
Honasan inabswelto sa pork barrel scam
Ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong graft laban kay dating Senador at ngayon ay Information and Communications Technology Secretary Gregorio Honasan at pito pa kaugnay ng P10 bilyong pork barrel scam. Sa 52-pahinang ruling ng anti-graft court, nabigo ang prosekusyon na magpakita ng ebidensya para patunayang guilty sa kaso si Honasan kung saan ang ‘presumption […]