• November 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTFRB: Muling pinagpatuloy libreng sakay sa mga PUVs

Pinahayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na muling pinagpatuloy ang pagbibigay ng libreng sakay para sa mga frontliners at medical workers na sasakay sa mga PUVs dahil sa tuloy na ulit ang programa sa service contracting (SCP) ng pamahalaan.

 

 

 

Mayron P3 billion na alokasyong pondo sa 2021 General Appropriations Act ang nakalaan para sa ikalawang yugto ng SCP ng pamahalaan.

 

 

 

Ang nasabing programa ay nahinto dahil noong nakaraang July ay nag expire ang pondo para sa SCP na nasa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act.

 

 

 

“With the resumption of the program, free rides would be offered again for medical frontliners, essential workers and authorized persons outside of residence (APORs). It was re-launced last September 10, 2021,” wika ng LTFRB.

 

 

 

Ayon sa Department of Transportation (DOTr) hindi lamang sa Metro Manila ito gagawin at ipapatupad kung hindi sa iba pa rin regions ng bansa.

 

 

 

Halos may 31.6 million na mga Filipinos ang nabigyan ng serbisyo mula sa libreng programa ng gobyerno mula ng ito ay simulan.

 

 

 

Sa ngayon, tinatayang may kabuohang P1.5 billion na bayad ang nabigay na sa PUV operators at drivers na sumali sa nasabing programa.

 

 

 

“The SCP is one of the programs under the Bayanihan to Recover as Once Act wherein PUV drivers will receive additional income through performance-based incentives from the government. The program which also seeks to raise the level of service and efficiency in the country’s public transportation system, is offered to drivers of modern public utility jeepneys, traditional PUJs and passenger buses that are plying active routes,” dagdag ng LTFRB.

 

 

 

Nakasaad sa program na ang isang PUV driver ay bibigyan ng P46.80 hanggang P82.50 kada kilometro para sa buses at P52.50 ang laan para sa mga PUJs.

 

 

 

Hinihikayat naman ni LTFRB chairman Martin Delgra ang mga transport operators at drivers na sumali sa SCP.

 

 

 

“It provides operators and drivers an opportunity to earn based on the number of trips they run per week and make their operations sustainable whether they have passengers or none,” saad ni Delgra.

 

 

 

Inilungsad ang service contracting dahil na rin sa pagbabawas ng kapasidad ng pasahero sa mga sasakyan dahil sa pagpapatupad ng social distancing na nakaapekto sa take-home pay ng mga drivers at operators. Kung kaya’t kinakailangan dagdagan ang financial assistance sa mga mangagagawa sa pampubliko transportasyon. LASACMAR

Other News
  • Mas mabilis at maliksi ako kay Spence- Pacquiao

    Matinding kalaban si Errol Spence Jr. na may bitbit na dalawang korona – ang World Boxing Council (WBC) at International Boxing Federation (IBF) welterweight titles.     Mas bata rin ang 31-anyos na si Spence kumpara sa 42-anyos na eight-division world champion Manny Pacquiao.     Ngunit hindi ito hadlang para kay Pacquiao.     […]

  • IBA-IBANG PASILIDAD PINASINAYAAN SA NAVOTAS

    PINASINAYAAN ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang iba’t-ibang pasilidad kasabay ng selebrasyon ng ika-14th cityhood anniversary nito.     Pinangunahan ni Cong. John Rey Tiangco, Regional Director of the World Scout Bureau Asia Pacific Region Jose Rizal Pangilinan, Director of Bureau of Plant Industry George Culaste, at Good Greens President Simon Villalon, ang blessing at inauguration […]

  • Ninang na si Ana, nagregalo ng white piano: Anak nina DINGDONG at MARIAN na si ZIA, posibleng maging classical singer

    NAGKAROON ng bonggang launching ang Vivamax para sa napakarami nilang naka-lineup na bagong movies and series for streaming simula ngayong summer.     Napaka-successful naman kasi ng Vivamax dahil simula lang nang ilunsad ito nitong pandemic, it became the number 1 local streaming platform with 3 million subscribers at parami pa nang parami.     […]