LTFRB namimigay ng driver subsidy
- Published on November 12, 2020
- by @peoplesbalita
SINIMULAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pamimigay ng bagong subsidy program na tulong para sa humigit kumulang na 60,000 na public utility vehicle (PUV) drivers na naapektuhan ng COVID-19 pandemic
Ang programang ito ay magbibigay muna ng subsidies sa may 60,000 na drivers sa Metro Manila, Metro Cebu at Metro Davao.
“The program is being undertaken in light of the Bayanihan to Recover As One Act to ensure safe, efficient and financially viable operations of public transportation under these unusual circumstances,” wika ni LTFRB executive director Renwick Rutaquio.
Mayroong P5 billion ang inilaan ng pamahalaan para sa nasabing programa na ibibigay sa transport sector na siyang mas naapektuhan ng nagpatupad ng lockdown ang pamahalaan noong nakaraang March dahil sa COVID-19.
Marami sa mga PUV drivers ay nawalan ng trabaho kung kaya’t napilitang magpalimos na lamang sa mga kalsada matapos na magkaron ng shut down ang lahat ng public transport sa loob na ilang buwan.
Sinimulan na ang pamimigay noong nakarang weekend sa rutang Tandang Sora, Novaliches, at EDSA at officially ng itutuloy ang pamimigay ngayon linggo sa mga PUV drivers.
Ang subsidy ay ibabase sa kilometrong natahak kada sasakyan depende sa klase ng sasakyan at iba pang compliance sa mga napagusapang performance indicators.
Kahit na may ganitong programa, regular fare pa rin ang ibabayad ng mga pasahero upang masiguro ang steady revenue ng drivers at operators.
“Compliance with indicators in the service plan will be through a third-party systems manager and incentives and penalties will be given to drivers based on merit and demerit points under the program,” ayon sa LTFRB.
Halos 60 percent ng beneficiaries ng programa ay public utility jeepney drivers (PUJ).
Nakikita rin ng LTFRB na ang service contracting program ay siyang magiging bagong business model na parehas na makakatulong sa problema sa mobility at feasibility ng mga PUVs. (LASACMAR)
-
Pahayag ng PDEA na wala sa drug watch list nito si PBBM, kinontra ni Duterte
KINONTRA ni dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte ang naging pahayag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na wala at hindi kailanman nakasama ang pangalan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa drug watch list nito. Ang pangako ni Duterte, ipalalabas niya ito sa publiko kapag nakuha na niya ang nasabing dokumento. […]
-
Implementasyon ng RA 10070, siniguro ng Bulacan provincial social welfare
SA tagubilin ni Gobernador Daniel R. Fernando, siniguro ni Bulacan Provincial Social Welfare and Development Officer Rowena Joson-Tiongson na maayos na naipatutupad sa lalawigan ang Republic Act No. 10070 kung saan nakapaloob ang pagkakaroon ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) dahilan upang magkaroon ng PWD General Assembly sa Mall Atrium, SM Pulilan. Ipinaliwanag […]
-
Kouame naka-focus ngayon sa pagsali sa 2023 FIBA World Cup
Tiniyak ni Gilas Pilipinas program director Tab Baldwin na maglalaro sa national team si Ange Kouame. Ito ay matapos ang ilang buwan nang aprubahan ang kaniyang naturalization. Sinabi ni Baldwin na nagkaroon na sila ng pag-uusap ng adviser ng Ateneo de Manila player na si Arben Santos na makakasama ng Gilas […]