• November 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTFRB: P860 M incentives na ang naibibigay sa mga drivers ng PUVs

May P860 million ng halaga ang naibibigay at naipamamahagi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga public utility drivers (PUVs) sa buong bansa.

 

 

Ang programa ay sa ilalim ng service contracting ng pamahalaan kung saan binibigyan ang mga PUVs drivers ng mga incentives ayon sa kanilang nalalakbay na kilometro.

 

 

“Drivers can receive incentives and subsidies based on kilometers traveled, depending on the type of transportation and its compliance with agreed-upon performance indicators,” saad ng LTFRB.

 

 

Sa ngayon, mayron ng 14,132 na drivers ang nabigyan at nakakuha ng paunang bayad mula sa programa at may 4,500 na kada drivers na rin ang nabigyan ng P15,000 na onboarding incentives.

 

 

“Under the program, drivers are entitled to an initial amount of P4,000, a weekly payout depending on the service and a one-time onboarding incentive,” wika ng LTFRB.

 

 

Ang service contracting ay isang programa ng pamahalaan sa ilalim ng subsidy packages ng Bayanihan 2 upang mabawasan ang masamang epekto ng pandemic sa sektor ng transportasyon lalo na sa kabuhayan ng mga drivers.

 

 

Kailangan lamang na magparehistro ang mga drivers ng PUVs sa LTFRB upang makasali sa programa kung saan sila ay sasailalim sa isang orientation program.

 

 

Halos P5 billion ang nakalaan na pondo sa contract servicing mula sa Bayanhihan 2 upang masiguro na ang operasyon ng transportasyon ay magiging viable kahit na pinatutupad ang mga health protocols na siyang dahilan kung bakit binawasan ang passenger capacity sa mga pampublikong sasakyan.

 

 

Samantala, tinaasan ng LTFRB ang per kilometer incentive na binibigay sa mga public utility drivers (PUVs) sa ilalim ng programang service contracting ng pamahalaan.

 

 

Sa isang LTFRB memorandum circular ng nilabas, ang per kilometer incentive para sa traditional at modernized jeepneys kasama ang public utility buses ay bibigyan ng dobleng rate.

 

 

“The memorandum signed on April 16 increased the per kilometer incentive to P27 for traditional and modernized jeepneys and P45.50 for public utility buses from the previous rate of P11 and P23.10, respectively,” wika ng LTFRB. (LASACMAR)

Other News
  • BI, NAGBABALA LABAN SA MGA FIXERS

    NAGBABALA ang pamunuan ng Bureau of immigration sa lahat ng dayuhan na huwag makipagtransaksyon sa serbisyo ng mga “fixers” sa pagpro-proseso ng kanilang mga dokumento.     Ito ang sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco bunsod sa mga ulat na kanilang natanggap na ilang indibidwal ang nag-aalok ang kanilang  serbisyo sa mga dayuhan na mag-ayos […]

  • THOMAS DOHERTY, THE MYSTERIOUS LORD OF THE MANOR IN “THE INVITATION”

    SCOTTISH actor Thomas Doherty (HBO Max’s Gossip Girl reboot) stars as Walter, the lord of the manor holding court over the wedding events in Columbia Pictures’ terrifying horror-thriller The Invitation. [Watch the film’s trailer at https://youtu.be/cHF2a2XZxUk] In the film, after the death of her mother and having no other known relatives, Evie (Nathalie Emmanuel) takes a DNA test…and discovers […]

  • Unang producer na sumugal sa movie nila ni Gladys: JUDY ANN, labis-labis ang pasasalamat kay Mother LILY

    IBINAHAGI ni Jed Madela ang mga larawan na kuha sa kanyang pagbisita kay Queen of All Media Kris Aquino, na patuloy na nakikipaglaban sa kanyang karamdaman.       Sa post ni Jed sa kanyang IG, may caption ito ng, “Finally got to visit Ms. Kris, Kuya Josh & Bimb. So happy to see her! […]