P3.5M, kotse taya sa Pearl Cup finals
- Published on February 17, 2020
- by @peoplesbalita
PAGKALIPAS ng mga eliminasyon sa probinsiya, lalargahan na ang LDI Pearl Cup 5-Cock Derby grand finals sa Pebrero 19 sa malamig na San Juan Coliseum.
Humila ng entries ang pasabong na ito ng Lakpue Drug Inc. (LD1) sanhi nang mababang entry fee na P3,300, pero garantisado ang P1.35M cash prizes hiwalay pa ang at brand new Mitsubishi Mirage G4 AT.
Tinatayang lulusob ang mga sabungero sa Miyerkoles dahil sa 180 sultada sa 3–cock finals. Umiskor na ng dalawang panalo ang 83 entries at tatanggapin pa rin ang straight five cocks.
Ang champion ay may P600,000, sa any 4 points ay P200,000, sa 2 pts. sa elims ay P300,000, sa handler ay P100,000 at sa gaffer ay P50,000.
May bonus pa sa finals para sa fastest win na brand new Mitsubishi Mirage G4 AT, sa sagunda ay P45,000 cash at P5,000 halaga ng LDI products, sa tersera ay P25,000 at P5,000 worth LDI products at sa pang-apat ay P15,000 cash at P5,000 LDI products.
Kontakin sina Doc Marion Abella at Michelle Nava sa 0926 408 1643 at 0905 2016057 para makalahok. (REC)
-
Kasal nila ni Abby, sa November na: JOMARI, gagarahe na dahil kasama na ang ‘the one I love’
TULOY na tuloy na pala ang civil wedding nina Paranaque City Councilor Jomari Yllana at Abby Viduya ngayong November 2023. Sa media launch para sa Motorsport Carnivale 2023 na ginanap sa Okada Manila, una itong naikuwento ni Abby, na super excited na sa wedding nila ni Joms na gaganapin sa Las Vegas, Nevada. […]
-
May bagong bisyo na hindi maiwasan: MARK, naaadik sa pagbibisikleta at dinamay na rin si NICOLE
MAY bagong hindi maiwasan na bisyo ngayong taon si Mark Herras at dinamay pa niya ang kanyang misis na si Nicole Donesa. Kapwa sila naaadik sa pagbibisikleta. Pinost ni Mark at Nicole sa Instagram ang dalawang bagong bisikleta nila. Caption ni Mark: “2022 new hobby with wifey. Let’s go!!” […]
-
KAPISTAHAN NG POONG NAZARENO, KASADO NA
ALL system go na para sa Kapistahan ng ng Itim na Poong Nazareno o Nazareno 2023 sa Enero 9. Sa press conference na dinaluhan ni Manila Mayor Honey Lacuna, MPD,BFP,DOH,MMDA,AFP at iba pang ahensya ng gobyerno at nang ilang opisyal ng Quiapo church inilatag ang ilang mga panuntunan sa naturang aktibidad. […]