• April 5, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTFRB pinaigting ang panghuhuli ng mga aroganteng taxi drivers

MAS PINAIGTING pa ang panghuhuli ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga aroganteng taxi drivers sa mga terminals at malls na ayaw magsakay ng mga pasahero ngayon kapaskuhan.

 

 

 

May mahigit na 200 na mga aroganteng drivers ang nahuli kamakailan lamang dahil sa patuloy nilang masigasig na panghuhuli. May 214 na taxi drivers ang nahuli dahil sa iba’t ibang violations tulad ng contracting passengers, overcharging ng pasahe, ayaw magsakay ng pasahero, hindi paggamit ng taxi meter at kaso ng mga colorum na operasyon.

 

 

 

“Actually, this is a year-round campaign of LTFRB but when the holiday season and rush start, we have to intensify the campaign against the abusive drivers,” wika ng LTFRB.

 

 

 

Ang mga nahuhuling drivers ay dinadala sa legal division ng LTFRB para sa kaukulang pagdinig at imbestigasyon. Ang mga lumabag sa mga nasabing batas ay bibigyan ng multang P5,000 para sa unang huli, P10,000 sa ikalawang huli at kanselasyon ng prangkisa para sa ikatlong offense. Ang mga drivers ay bibigyan din ng penalty kapag napatunayan na totoo ang violations.

 

 

 

Ayon sa LTFRB, kanilang rerepasuhin ang polisiya sa mga violations at maaaring magkaron ng amienda upang mas mabigyan ng mas mataas na multa ang mga violations na gagawin ng mga taxi drivers.

 

 

 

Nakikipag-ugnayan din ang LTFRB sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at iba pang sangay ng pamahalaan upang mahuli ang mga aroganteng taxi drivers.

 

 

 

Samantala, ang ride-hailing firm Grab ay hindi pumunta sa pagdinig na ginawa ng LTFRB upang bigyan ng liwanag ang reklamo tungkol sa surge fees na binabayad ng mga pasahero. Ang surge fee ay dapat bayaran kung rush hours lamang.

 

 

 

“We summoned Grab after receiving complaints from commuters of being charged with surge fee even during ordinary hours. We assured commuters that we will look into the issue to protect the people, who are already burdened with the soaring prices of basic commodities,” saad ng LTFRB.

 

 

 

Isang reklamo ang inihain ng anchorwoman mula sa isang radio station na ayon sa kanya ang regular fare niya sa Grab taxi ay P180 lamang subalit siya ay siningil ng P200 dahil sa surge fee. LASACMAR

Other News
  • DTI: Mag-stock na ng pang-Noche Buena

    DAHIL simula na ng “ber” months sa susunod na linggo, pinayuhan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga consumers na mag-stock na ng pang Noche Buena habang hindi pa gumagalaw ang presyo ng mga bilihin.     Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, hindi naman agad nai-expire ang mga panghanda sa Pasko o […]

  • Influencers hinikayat: ‘Wag i-endorso iligal na online gambling sites

    PANAWAGAN  ng isang grupo na itigil ng mga online influencers ang kanilang pag-endorso sa mga iligal na online gambling sites.     Binanggit ng Digital Pinoys, isang grupo ng mga digital advocates, na dapat mas isipin ng mga online influencers ang mapahamak na epekto ng unregulated gambling operators sa mga nagiging biktima nito.     […]

  • Pagbabalik ng Governor’s Cup inaayos na ng PBA

    PINAPLANO na ng pamunuan ng Philippine Basketball Association (PBA) kung paano nito itutuloy ang naudlot na PBA Season 46 Governors’ Cup.     Tengga muna ang liga dahil patuloy na lumolobo ang bilang ng tinatamaan ng coronavirus disease (COVID-19).     Kaya naman habang naghihintay, nag-iisip na ng iba’t ibang paraan ang PBA para sa […]