• April 27, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTFRB, pinalawig ang deadline ng aplikasyon para sa special permit ng mga ibinalik na PUB routes

PINALAWIG  pa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang deadline para sa pagsusumite ng aplikasyon sa special permit ng mga binuksang ruta.

 

 

Sa abiso ng LTFRB, maaari pang mag-apply ng special permit ang mga bus operators hanggang sa katapusan ngayong buwan.

 

 

Inihayag din ng ahensya na valid at epektibo na ang mga naunang naisumiteng aplikasyon kahit wala pang SP, basta’t may hawak na itong received copy Land Transportation Office (LTO); at Valid Personal Passenger Accident Insurance.

 

 

Kung maalala, nasa 33 ruta ng PUBS ang binuksan ng LTFRB simula noong Aug. 18, na bahagi ng paghahanda sa balik-eskwela ng mga estudyante.

 

 

Sa pinakahuling datos ng ahensya, nasa 3,000 bus units na ang binigyan ng SP para maka-operate sa mga binuksang ruta.

Other News
  • Nagsagawa ng maikling dialogo ang mga militanteng grupo sa tanggapan ng Department of Agrarian Reform 

    Nagsagawa ng maikling dialogo ang mga militanteng grupo sa tanggapan ng Department of Agrarian Reform  para ipanawagan sa ahensiya ng gobyerno na mamamayan muna kesa proteksiyon ng mga malalaking negosyante… Photo By: (Robert Glips)

  • Ayaw makisawsaw sa gulo sa Myanmar

    WALANG balak makisawsaw ang gobyerno ng Pilipinas sa nagaganap na kaguluhan sa gobyerno ng Myanmar.   Ito ang tugon ni Presidential Spokesperson Harry Roque, makaraang magkasa ng kudeta ang militar laban kay Myanmar State Council Aung San Suu Kyi at ilan pang matataas na opisyal dahil sa “election fraud” o dayaan sa eleksyon.   Ani […]

  • Malakanyang, pinayuhan ang mga employer na magtalaga ng health safety officer sa kanilang work place

    UMAPELA ang Malakanyang sa mga nagmamay-ari ng kumpanya na gumawa ng kaukulang hakbang para masiguro na nagagawa ang pag- iingat sa kanilang work place.     Ang apela ng Malakanyang ay ginawa sa harap ng nagpapatuloy na pagsirit ng mga nadaragdag na kaso ng COVID 19.     Sinabi ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet […]