• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTFRB: Posibleng magkaron ng PUJ fare hikes

INAASAHAN  ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magkakaron ng panibagong round ng fare hike sa mga public utility jeepneys (PUJs) sa darating na lingo.

 

 

 

Ayon kay LTFRB chairman Cheloy Garafil na ang pagtataas ng pamasahe ay sinangayunan na ng LTFRB board subalit hindi pa alam kung P2 o P4 ang puwedeng ibigay sa mga drivers at operators at naaayon sa kanilang petisyon.

 

 

 

“Yes, the increase is due because the last time we had an increase, the level of diesel was just P44 per liter. Now its up to more than half by today. It’s just a question of how much fare increase we will give – in a way that will not greatly affect inflation and the purchasing power of commuters who will bear the brunt of the fare hike,” wika ni Garafil.

 

 

 

Nagkaron na naman ng pagtataas ng presyo noong Lunes ang gasoline, diesel at kerosene kung saan ito ay tumaas ng P1.40 para sa gasoline kada litro at P6.00 naman sa diesel at kerosene.

 

 

 

Dahil sa pagtataas ng presyo ng produktong petrolyo, ang mga transport groups ay napilitan humingi muli ng pagtataas ng pasahe mula P2 hanggang P4. Sa ngayon, ang LTFRB ay may pitong (7) petisyon na inihain ng iba’t ibat grupo ng transportasyon tulad ng jeepneys, buses, TNVS, taxis, P2P shuttles at UV Express vehicles.

 

 

 

Ayon kay Garafil, ang kanilang ahensya ay magdidisisyon sa petisyon ng jeepney groups kapag sila ay nakapagbigay na ng position papers sa nasabing pagtataas kung saan ang deadline ay hanggang sa darating na Sabado.

 

 

 

“We can probably expect a resolution on the fare hike petitions at the earliest on the first week of September and the latest will be on the second week of September,” dagdag ni Garafil.

 

 

 

Kahit na sinusuportuhan ng LTFRB ang petisyon sa pagtataas ng pamasahe, ang ahensiya naman ay kinakailangan pa rin na ang desisyon ay naaayon sa National Development Authority (NEDA)’s position sa magiging epekto nito sa inflation.

 

 

 

Samantala, sinagot naman ni Garafil ang agam-agam ng mga transport groups tungkol sa hindi pagpapatupad ng LTFRB MC 2019-035 kung saan sinasabi na sa oras na magkaron ng pagtataas ng presyo ng produktong petrolyo, ang LTFRB ay maaaring magkaron ng fare changes kahit wala ng public hearings at iba pang proceedings.

 

 

 

“That MC was passed before the pandemic and it says there that if there are new socioeconomic factors, new studies that would come up after the issuance of the MC that would affect its applicability, we will have to rely on other factors that came up,” saad ni Garafil.

 

 

 

Dagdag pa ni Garafil na dahil ang MC ay nilabas bago pa ang pandemya, kaya dapat ay repasuhin muna ang provisions at contents nito tungkol sa automatic adjustment dahil ayon sa NEDA kada P1 na fare hike ay magreresulta ng 3.3 percentage point inflationary effect.  Dahil dito, ang impact nito ay malala at makakaapekto sa inflation at purchasing power ng mga pasahero.  LASACMAR

Other News
  • Sa historical fantasy ng novel ni Dr. Rizal: DENNIS, balik-trabaho na at makatatambal sina JULIE ANNE at BARBIE

    BALIK-TRABAHO na si Kapuso Drama Actor Dennis Trillo, matapos ang ilang buwan, after ng drama series niyang “Legal Wives” with Alice Dixson, Andrea Torres and Bianca Umali.     At pagkatapos makapagsilang ang wife niyang si Kapuso Ultimate Actress Jennylyn Mercado ng kanilang baby girl.     “Maria Clara at Ibarra,” ang historical fantasy na […]

  • Naka-focus na uli ngayon sa karakter sa serye: ALDEN, ‘di makapaniwalang tapos na ang movie nila ni KATHRYN

      NAGBALIK na si Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa set ng GMA Prime series na Pulang Araw.       Halos isang buwan siyang nawala rito para naman i-shoot ang kanyang upcoming movie na Hello, Love, Again sa Canada.       Dumaan din siya ng Amerika para maging bahagi ng Sparkle World Tour. […]

  • 5K-10K COVID-19 cases kada araw babala ng OCTA

    MULING nagbabala ang OCTA Research Group na maaaring umakyat ng 5,000 hanggang 10,000 ang arawang kaso ng ­COVID-19 sa bansa dahil sa bagong Omicron ­variants.     Ginawa ng OCTA ang pagtataya base sa nakita nila na pagtaas ng kaso sa South Africa dulot ng BA.4 at BA.5 variants sa New Delhi sa India dulot […]