• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTFRB, tumatanggap muli ng application for consolidation

BUKAS na muli ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa aplikasyon ng mga sasakyan na sasailalim sa consolidation system na bahagi ng PUV mo­dernization program ng pamahalaan.

 

 

Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz, binuksan muli nitong Oktubre 15 ang pagtanggap ng aplikasyon para sa consolidation bilang tugon sa kahilingan ng Senado upang mapagbigyan ng pagkakataon ang mga hindi nakahabol sa consolidation.

 

Sa ilalim ng consolidation, mawawala na ang franchise ng mga pampasaherong sasakyan at pagsasamahin ang mga PUVs sa isang kooperasyon o kooperatiba para mabigyan ng permit ng LTFRB na makapa­masada.

 

 

Nilinaw ni Guadiz na­ dapat na samantalahin ito ng mga drivers at ope­rators hanggang Nobyem­bre 29 lamang ito. Ani Guadiz ang mga newly-consolidated drivers at operators ay awtomatikong nakakatanggap ng P10,000 fuel subsidy.

 

 

Nilinaw naman ni Guadiz na ang mga bagong magpapa-consolidate ay dapat sumama sa mga existing cooperatives at hindi maaaring magbuo ng bagong kooperatiba.

 

Matatandaang ang naitakdang final deadline ng LTFRB para sa consoli­dation ay noong April 30, 2024 upang makasama sa moder­nization program ang mga pampasaherong sasakyan.

 

 

Kontra pa rin sa consolidation ang Piston at Manibela dahil pag-phase out ito ng traditional jeepney na papalitan ng mga pampasaherong sasakyan ng mga airconditioned vehicles na ang bawat unit ay umaabot sa higit P2 milyon.

Other News
  • Tuloy pa rin ang pakikipaglaban ni Cardo Dalisay: CHARO, pasok na sa ‘FPJAP’ at kaabang-abang magiging karakter

    SO, hindi pa rin matatapos ang FPJ’s Ang Probinsyano dahil may bagong papasok na kaabang-abang ang karakter na gagampanan ni Ms. Charo Santos-Concio.     Sa teaser na inilabas ng Dreamscape Entertainment, ini-reveal ang pagpasok ng award-winning actress sa teleserye ni Coco Martin na nantunghayan na kagabi (June 17), na sinasabing, “Isang babae ang magsisilbing […]

  • Malakanyang, umapela sa mga pork vendors na nakiisa sa pork holiday

    UMAPELA ang Malakanyang sa mga vendors o manininda sa Metro Manila na nakiisa sa “pork holiday” dahil sa pangamba na mabangkarote sa gitna ng ipinatupad na price freeze ng pamahalaan na ipagpatuloy na ang kanilang pagtitinda.   Ang katwiran ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ang tulong ng pamahalaan ay sapat na para maka-survive ang mga […]

  • John 3:16

    God gave his only son.