• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTFRB: Unconsolidated jeeps, UV Express puwedeng mag- operate sa may mababang bilang ng consolidated routes

ISANG resolusyon ang nilabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na pinapayagan ang unconsolidated jeepneys at UV Express na magkaroon ng operasyon sa may 2,500 na ruta na may mababang bilang ng consolidation.

 

 

 

 

Nakalagay sa LTFRB Board Resolution No. 53 Series of 2024 na ang mga unconsolidated na pampublikong sasakyan na hindi naghain ng consolidation ay pinapayagan na magkaroon ng operasyon sa may mababang bilang ng consolidated na ruta subalit kailangan pa rin sumailalim sa approval ng Local Public Transport Route Plan (LPTRP) o ang tinatawag a Route Rationalization Plan (RRP).

 

 

 

“To ensure the supply of public transportation in low (number of authorized units) routes, the Board hereby resolved to allow individual operators of PUJ and UVE on low NAU routes to operate on their existing routes without the need for filing an Application for Consolidation but subject to the eventual approval of the LPTRP and RRP,” ayon sa resolusyon.

 

 

 

Nakalagay din sa resolusyon na ang awtoridad upang makapakag operate ay binibigay sa PUJ at UV Express sa mga may mababang bilang na ruta ng consolidation subalit dapat ang kanilang mga sasakyan ay nakarehisto sa LTFRB at may valid na personal passenger accident insurance coverage.

 

 

 

Ang mga sumusunod ay ang mga ruta na may mababang bilang ng consolidation kung saan puwedeng magkaroon ng operasyon ang mga unconsolidated na jeepneys at UV Express:

 

a. Central Office – 105
b. Metro Manila – 139
c. Cordillera – 669
d. Ilocos – 161
e. Cagayan – 156
f. Central Luzon – 84
g. Calabarzon – 216
h. Mimaropa – 17
i. Bicol – 382
j. Western Visayas – 259
k. Central Visayas – 64
l. Eastern Visayas – 124
m. Zamboanga – 79
n. Northern Mindanao -25
o. Davao – 34
p. Caraga – 78

 

 

 

Sinabi naman ng PISTON na ang desisyon ng LTFRB tungkol dito ay epekto ng mga ginawang kolektibong aksyon ng mga manggangawa ng transportasyon tulad ng mga welga kung kaya’t napilitan ang LTFRB at si President Ferdinand Marcos, Jr. na pagbigyan ang kanilang mga kahilingan.

 

 

 

Ayon sa datos, may kabuuang 36, 217 na public utility vehicles (PUVs) at 2,445 na ruta ang nanatiling unconsolidated matapos ang deadline noong April 30 para sa pagpapatupad ng PUV Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan sa ilalim ng Department of Transportation (DOTr).

 

 

 

Ang isang modern jeepney ay nagkakahalaga ng P2 milyon na ayon sa Land Bank of the Philippines (DBP) at Development Bank of the Philippines (DBP), ang mga state-run banks, ay masyadong mahal para sa mga UV drivers at operators.

 

 

 

Sa initial na bahagi ng programa, ang mga individual na prangkisa ay kinakailangan magkaron ng consolidation upang maging isang kooperatiba o korporasyon. Dati pa na sinabi ng LTFRB na ang hindi makakapag consolidate na PUV at UV Express ay idedeklarang “colorum” pagkatapos ng deadline noong April 30.

 

 

 

Sinimulan ang programa noong 2017 na naglalayon na ang PUVMP ay palitan ang mga traditional jeepneys ng modern jeepneys na may Euro 4-compliant na makina upang mabawasan ang polusyon at upang mapalitan rin ang mga PUJs na hindi na roadworthy. LASACMAR

Other News
  • PBBM, nagpaabot ng pagbati sa INC sa ika-109 na Anibersaryo ng Pagkakatatag

    NAGPAABOT ng kanyang mainit na pagbati si Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga kapatid na Iglesia Ni Cristo (INC) na nagdiriwang ngayon ng kanilang 109th Founding Anniversary (Anibersaryo ng Pagkakatatag).     Ang wish niya sa religious organization ay magkaroon pa ng mas maraming lakas para isulong ang kanilang misyon hindi lamang para  sa […]

  • Naturukan na ng 2nd dose ng Sinopharm: Pangulong Duterte, fully vaccinated na-Sec. Roque

    KINUMPIRMA ni Presidential spokesperson Harry Roque na natanggap na ngayon gabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang second dose ng Sinopharm.   Nangyari aniya ito bago pa ang nakatakdang pulong ng Pangulo kasama ang ilang miyembro ng Inter-Agency Task Force (IATF).   Si Health Secretary Francisco Duque III ang nagbakuna kay Pangulong Duterte.   […]

  • Suporta kay Pacquiao bumuhos

    Nagpahayag ng iba­yong suporta pa rin ang Malacañang at ma­ging mga kasamahan sa Senado kay Senador Manny Pacquiao sa kabila ng pagkatalo niya kay Cuban boxer Yordenis Ugas sa kanilang super welterweight boxing match sa Las Vegas, Nevada.     “The boxing icon’s loss in Las Vegas would not diminish the ho­nors he bestowed to […]