• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTFRB: Walang consolidation, walang prangkisa ang jeepneys, UV Express

ISANG memorandum ang nilabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na naglalaman kung saan ang mga operators ng traditional jeepneys, UV Express at multicabs ay hindi na papayagan ng mag operate kung  hindi sila lalahok sa isang kooperatiba o magtatayo ng korporasyon.

 

 

 

Binigyang hanggang June 30 ang mga operators na sumunod sa nasabing memorandum. Pinahaba ng LTFRB ang deadline na dapat sana ay sa March 31.

 

 

 

Nilabas ng LTFRB ang nasabing memorandum kahit na may matinding oposisyon ang mga samahan ng mga transportasyon na kanilang tinututulan ang phase-out ng mga traditional jeepneys.

 

 

 

Susog sa programa ng pamahalaan sa Public Utility Vehicle Modernization (PUVMP), ayon na rin sa LTFRB, ang mga operators na mabigong sumunod sa consolidation requirement ay pawawalang bisa  ang kanilang prangkisa o ang tinatawag na certificates of public convenience (CPC).

 

 

 

“The CPC of the operators who fail to join the existing consolidation entity after June 30 will be reverted to the state. The franchises of PUV operators who fail to join a cooperative or corporation will be automatically rewarded to the existing consolidated entity operating on the same route,” ayon sa LTFRB.

 

 

 

Subalit kung makakasunod sila sa tinakdang deadline sa June 30, bibigyan ang mga operators ng provisional authority hanggang Dec. 31.

 

 

 

Tinututulan ng mga transport workers ang programa kung saan ayon sa kanila ay  anti-poor at maaaring magsulong ng monopoliya sapagkat kailangan silang sumunod na magkaron ng multimillion-peso na modern jeepneys at route consolidation.

 

 

 

Maaari naman na ang mga maaapektuhang operators ay mag apela sa social intervention initiatives ng pamahalaan.

 

 

 

“There will be mediation procedures in case of rejection in an existing consolidated entity, be it a cooperative or a corporation,” saad ng LTFRB.

 

 

 

Ayon sa LTFRB matagal ng naantala ang pagpapatupad ng programa upang matulungan ang mga transport operators na naapektuhan ng pandemya at ng pagtaas ng presyo ng krudo at gasolina. LASACMAR

Other News
  • TOM CRUISE AND CHRISTOPHER MCQUARRIE TEAM UP AGAIN FOR THEIR BIGGEST MISSION YET IN “DEAD RECKONING PART ONE”

    FOR the filmmakers of Mission: Impossible – Dead Reckoning Part One, the latest installment is a love letter to the whole Mission series.      “It’s absolutely that,” says Tom Cruise, who reprises his now iconic role of Ethan Hunt in the film, which he also produces. “People who haven’t seen the other Missions are going to enjoy […]

  • SHARON, nag-breakdown at halos sumuko na ngayong naka-life support na si TITA FANNY; ‘di puwedeng makita, mayakap at mahalikan

    SA IG post ni Megastar Sharon Cuneta last Wednesday, March 24, ramdam na ramdam talaga ang bigat na nararamdaman nang makarating sa kanya ang balitang naka-life support na ang kaibigan at nanay-nanayan sa showbiz na si Fanny Serrano na kilala rin bilang TF(Tita Fanny).     Nauna ngang ibinihagi ni Sharon ang nakalulungkot na balita […]

  • Action-Packed Quest Awaits Fans and Gamers in “The Super Mario Bros. Movie”

    NINTENDO’S mustached hero Mario, along with the rest of the characters from the Super Mario Bros. that have been captivating gamers and fans for decades jump out of the game for The Super Mario Bros. Movie.     For the first time, iconic global entertainment brands Illumination and Nintendo join forces to create “The Super […]