LTO: 101,889 sasakyan maaring marehistro kahit may NCAP violations
- Published on September 12, 2022
- by @peoplesbalita
MAKARAANG mag-issue ng temporary restraining order (TRO) ang Supreme Court (SC) sapagpapatupad ng no-contact apprehension policy (NCAP), ang Land Transportation Office (LTO) ay nagpahayag na kanilang papayagang marehistro ang mahigit sa 100,000 na sasakyang may violations sa ilalim ng NCAP.
May kabuuang 101,889 na sasakyan na may traffic violations mula sa tatlong lungsod ang aalisin sa alarm tagging system at papayagang marehistro ang mga nasabing sasakyan.
Sinabi ng LTO na ang tatlong (3) local government units (LGUs) naaalisin ang alarm tagging ay ang Quezon City na may 1,190 alarms, Paranaque City na mayroong 93,083 na alarms, at Bataan na may 7,616 na alarms.
Natapos na ng lungsod ng Quezon, Paranaque at Bataan ang proseso para sa pag-aalis ng alarm tagging ng mga sasakyan habang ang Manila ay patuloy pa rin ang ginagawang proseso.
“This will allow the renewal of registration of apprehended motor vehicles through the NCAP pending the final decision/resolution of the Supreme Court on the matter,” wika ni LTO assistant secretary Teofilo Guadiz.
Subalit kung sakaling pagtibayin ng SC ang validity ng NCAP, ang mga LGUs ay papayagan na muling ma-re-tagged ang mga nasabing sasakyan na may corresponding fines at penalties.
“In the event the Supreme Court will affirm the validity of the same, the alarms shall be re-tagged in our system, and the fines/penalties shall be reflected and/or applied during the next renewal for registration,” dagdag ni Guadiz.
Ganon pa man, pinaalalahanan ni Guadiz ang motoring public na maging responsible kung sila ay nagmamaneho at huwag magmaneho kung nakainom o nasa ilalim ng drugs.
Mula nang magsimula ang taon, may 353 na drivers ang nag-positive sa alcohol intoxication nang sila ay nasangkot sa aksidente na naging sanhi ng 15 kaso ng pagkamatay at 232 na kaso ng physical injuries.
Ang mga drivers ay nabigyan ng 90 days suspension at humarap sa administrative sanctions at penalties.
Sa ilalim ng NCAP, ang isang motorista ay binibigyan ng multang P2,000 para s aunang offense, P3,000 sa ikalawang offense at P4,000 naman para sa ikatlong offense nakaugnay sa disobedience sa traffic, control signals at signs, obstruction ng pedestrian lanes, driving sa yellow yellow box, overspeeding, non-wearing of helmet ng motorcycle riders at disregard sa lane markings.
Para naman sa offenses tulad ng counterflow, reckless driving at non-wearing ng seatbelts ay nagkakahalaga ng P3,000 sa unang offense, P4,000 sa ikalawang offense at P5,000 sa ikatlong offense. LASACMAR
-
Dy, 6 pa kabilang sa WNBL draft
NASA pitong mga kasapi dati ng Gilas Pilipinas o national women’s quintet sa pamumuno ni Raiza Rose Palmera-Dy ang mga pumasok sa opisyal 177 ballers para sa 1st Women’s National Basketbal League (WNBL) Rookie Draft 2020 sa San Fernando, Pampanga bago matapos ang buwang ito. Kasama ng 27 na taong-gulang at 5-6 ang taas […]
-
DSWD, bigong maipamahagi ang P1.9-B SAP subsidy – COA report
AABOT umano sa 1.9 billion ang halaga ng Social Amelioration Program (SAP) subsidy ang bigong maipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga benepisaryo ng naturang ayuda base sa latest report mula sa Commission on Audit (COA). Sa 2021 annual audit report ng COA sa DSWD, nakasaad na ang […]
-
PBBM, pinangunahan ang panunumpa ng 55 heneral ng PNP
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panunumpa sa 55 mga police generals na ginawa sa Heroes Hall sa Palasyo ng Malakanyang. Ito ang ikalawang batch ng mga nag -oath taking na heneral ng PNP dahil nasa may 58 ang nanumpa sa unang batch na ginawa noong isang linggo. Sa naging talumpati ni Pangulong […]