LTO Chief ipinag-utos na paigtingin ang anti-overloading operations sa buong bansa
- Published on September 20, 2024
- by @peoplesbalita
INATASAN ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Vigor D. Mendoza II ang lahat ng enforcer ng ahensya na paigtingin ang operasyon laban sa overloading sa buong bansa.
Personal na pinangunahan ni Assec Mendoza ang pagsasagawa ng operasyon sa Quezon City noong Miyerkules ng hapon, Setyembre 18, kung saan 45 sasakyan ang naharang sa kahabaan ng Tandang Sora Avenue at C5 ng pinagsamang puwersa ng LTO at Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sa mga naharang na sasakyan, 13 ang napatunayang overloaded at nabigyan ng violation ticket.
“Patuloy naman ang implementation nito subalit lalo pa nating pai-igtingin ito dahil nakakagawa ng mga paraan ang ilang motorista para iwasan ito. Hindi na ito uubra ngayon,” pahayag ni Assec Mendoza.
Ayon sa kanya, ang kanyang direktiba ay gawing mas madalas ang inspeksyon at dapat gawin nang random.
Bukod sa mga truck, sinabi ni Assec Mendoza na lalo pang paiigtingin ang operasyon laban sa overloading, partikular na sa mga pampublikong sasakyan (PUVs), hindi lamang sa Metro Manila at mga urban areas kundi pati na rin sa mga probinsya.
“This is in line with the instruction of DOTr Secretary Jaime J. Bautista to ensure safety of all road users. Marami na tayong nakita na malalagim na aksidente dahil sa overloading kaya gagawin natin ang lahat ng ating makakaya upang maiwasan ito sa pamamagitan ng pagdisiplina sa mga pasaway na motorista,” ani Assec Mendoza.
Upang matiyak ang pagsunod, sinabi ni Assec Mendoza na inatasan na niya ang lahat ng Regional Directors na magsumite ng regular na ulat ng kanilang mga operasyon sa kanilang nasasakupan. (PAUL JOHN REYES)
-
Dahil nag-anunsiyo na tatakbong alkalde ng Maynila: SAM, walang dudang isa si ISKO sa mahigpit na makakalaban
DAHIL nag-anunsiyo na si Sam Versoza na tatakbo siyang alkalde ng siyudad ng Maynila, walang dudang si Isko Moreno ang isa sa mahigpit niyang makakalaban sa eleksyon sa Mayo sa isang taon. Sa tanong namin kay Sam kung magkakilala ba sila ng personal ni Isko, ang sagot ni Sam ay… “Ilang […]
-
Marvel’s ‘Morbius’ Brings Out a Dark, Unforgettable Side of Jared Leto
JARED Leto disappears into his roles, bringing characters to life in ways that can be moving, or terrifying, or enigmatic, but always unforgettable. “I’m attracted to roles where there’s an opportunity to transform – physical transformation, but also mental, emotional, any and all,” says Jared Leto, who is indeed renowned for his transformations. […]
-
QCINEMA INTERNATIONAL FILM FESTIVAL GOES HYBRID FOR 2020!
DESPITE the COVID-19 pandemic, the love for cinema does not stop as the QCinema International Film Festival goes hybrid for 2020! Running from November 27 to December 5, the festival will hold screenings in an outdoor venue and online, via the TVOD platform UPSTREAM. According to festival director, Ed Lejano, they decided to […]