• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTO: Gagawin digital na ang pagbibigay ng traffic citation tickets

MAY  plano ang Land Transportation Office (LTO) na maglabas ng libong handheld devices sa mga traffic enforcers ng LTO upang maging digitalize ang pagbibigay ng citation tickets sa mga lumalabag sa batas trapiko.
Ang mga devices na nasabi ay gagamitin ng mga LTO enforcers upang magbigay ng automatic electronic temporary operator’s permit (TOP) sa mga violators ng batas trapiko.
“We will no longer issue manual TOPs, and instead use this device to issue tickets to erring motorists,” wikani LTO chief Arturo Tugade.
Maglalabas ang LTO ng 1,200 handheld devices na ipamamahagi sa buong bansa
na siyang magiging bahagi ng pagsisikap ng LTO na magkaroon ng digitalization sa ahensya at upang mabawasan ang magkaroon ng korapsyon sa LTO
“The minute the violation is entered in, the enforcer cannot edit it and can no longer negotiate about the infraction of the traffic violation,” dagdag ni Tugade.
Kung nawala ang official receipts, ang lumabag na motorista ay makapagbabayad pa rin ng multa sapagkat ang kanilang pangalan ay nailagay na sa data base ng LTO. Nagnanais din ang LTO na ang pagbabayad ng citation tickets ay digitalize kung saan sila ay papayagan na ang multa ay babayaran ng violators on the spot.
Samantala, ang ikalawang bahagi ng proyekto sa digitalization ng LTO ay ang cashless payment sa pamamagitan ng pagbabayad sa mobile handheld device na may kakayanan na mag-scan ng QR code. Puwede rin magbayad sa pamamagitan ng credit card. Sa ganitong paraan, ang publiko ay makapagbabayad ng kanilang multa ng hindi na kukunin ang kanilang licenses.
“The digitalization of the issuance of citation tickets also seeks to help the government increase the collection revenue from payments of traffic violations,” saad naman ni LTO executive director Giovanni Lopez.
Nilinaw naman ni Tugadena ang mga enforcers lamang mula sa LTO ang gagamit ng nasabing handheld devices.
Kaugnay dito, ang LTO ay nasa proseso ng koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan at ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pagpapatupad naman ng single ticketing system na gagawin ngayon taon.
Kamakailan lamang ay nakilahok si Tugade sa isang refresher course tungkol sa “Law Enforcement Handheld Mobile Device”na ginawa sa central office ng LTO sa Quezon City. LASACMAR
Other News
  • Dinagsa ng mga celebrity ang wake niya: JACLYN, binigyan ng tribute ng pamunuan ng ‘Cannes Film Festival’

    NAGBIGAY ng tribute o pagkilala ang pamunuan ng Cannes Film Festival sa biglaang pagpanaw ng premyadong aktres na si Jaclyn Jose.     Siya ang kauna-unahang Filipino at Southeast Asian na nagwagi ng Best Actress award sa Cannes Film Festival noong 2016 dahil sa mahusay niyang pagganap sa ‘Ma’ Rosa’, na mula sa direksyon ni […]

  • 2 nalambat sa P170K shabu sa Navotas

    Dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang timbog matapos makuhanan ng halos P.2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Navotas city, kahapon ng madaling araw.   Kinilala ni Navotas police chief Col. Rolando Balasbas ang naarestong mga suspek na si Jaymar Marquez, 28 ng Inocencio St. Tondo at […]

  • DOTr target na i-upgrade ang MRT-3 matapos ang surprise inspection dito

    MAY inilatag na rekomendasyon si Transportation Secretary Jaime Bautista  hinggil sa pagpapahusay ng serbisyo ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) matapos ang  surprise inspection sa  rail line noong Lunes.     Sa isang Facebook post, sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na nagbalatkayo o nagpanggap si Bautista bilang isang ordinaryong mananakay  na walang ” […]