2 nalambat sa P170K shabu sa Navotas
- Published on January 18, 2021
- by @peoplesbalita
Dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang timbog matapos makuhanan ng halos P.2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Navotas city, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Navotas police chief Col. Rolando Balasbas ang naarestong mga suspek na si Jaymar Marquez, 28 ng Inocencio St. Tondo at Sharmaine Vergara, 26 ng Fabye St., Sta. Ana Manila.
Ayon kay Col. Balasabas, dakong 2:55 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Genere Sanchez sa R10, Brgy. NBBN kung saan isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makabili sa mga suspek ng P500 halaga ng shabu.
Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad silang sinunggaban ng ma operatiba.
Nakumpiska sa kanila ang nasa 25 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P170,000.00 ang halaga, buy bust money at P500 bills.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
-
Trabahante na kinuha sa DPWH projects, pumalo sa 1.6M
PUMALO sa mahigit 1.6 milyong Filipino ang naging trabahante o nagtrabaho para sa agresibong implementasyon ng infrastructure projects lalo na sa pamamagitan ng Build Build Build project. Sinabi ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Roger G. Mercado na mula sa buwan ng Enero hanggang Disyembre ng nakaraang taon, ay nagawa […]
-
Teves Jr, tanggaling miyembro ng Kamara
PINATATALSIK ni Pamplona Mayor Janice Degamo, biyuda ni dating Negros Oriental Governor Roel Degamo, si Negros Oriental 3rd District Congressman Arnolfo Teves, Jr. Ayon sa alkalde, may isinumite na silang apela sa Kongreso upang tanggaling miyembro ng Kamara si Teves. “Meron pa po kaming ibang sinusulong sa Kongreso. Sana suportahan din […]
-
PH Alex Eala bumaba ang world rankings bago sumabak sa US Open
Bahagyang bumaba ang world rankings ni Alex Eala sa Women’s Tennis Association (WTA) bago pa man ang kanyang pagbabalik sa juniors para sa prestihiyosong US Open na gaganapin sa September 6-11, 2021 sa New York. Sinasabing kabilang sa dahilan ay ang halos kawalan ng events sa women’s pro circuit . Ang Filipina sensation […]