• November 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTO iniimbestigahan na ang isyu ng depektibong breath analyzer

INANUNSYO ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na kanilang iniimbestigahan ang pagbili ng nasa 756 units ng breath analyzers na napag-alamang depektibo.

 

 

Ayon sa ahensya, nagbaba ng kautusan si LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II para sa masusing imbestigasyon ng mga devices na binili noong 2015 at 2017.

 

 

Ayon pa sa ahensya, tinangka pa ng LTO na ayusin ang mga breath analyzers matapos madiskubre sa imbentaryo na hindi na ito maaaring magamit, subalit ayon sa resulta ng kanilang sariling imbentaryo mayroon na lamang na 288 mula sa 756 na unit ang maaari pang maayos at ma-recalibrate.

 

 

Sabi ni Mendoza, ang unang batch na 150 units noong 2015 ay binili sa halagang P68,000 kada piraso habang ang second batch na mahigit 600 units ay nabili ng tig P38,000 kada isa.

 

 

Paliwanag pa ng opisyal, prayoridad nilang ayusin o remedyuhan ang mga sirang aparato para maipamahagi na sa ground para sa implementation ng anti-drunk and drugged act of 2016.

 

 

Sunod naman ang pagtukoy sa kung ano ang nangyari at kung sinu-sino ang dapat managot sa isyung ito.

 

 

Tiniyak naman ni Mendoza na kung bibili sila uli ng breath analyzer ay magiging transparent sila sa transaksyon. (PAUL JOHN REYES)

Other News
  • Phil. boxing team hindi lamang target na makahakot ng medalya

    HINDI  lamang nakatutok ang mga boksingero ng bansa na makahakot ng medalya sa paglahok nila sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.     Sinabi ni Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) secretary-general Marcus Jarwin Manalo na kung tutuusin aniya ay kaya nilang higitan ang nakamit ng boksingero ng bansa noong 2019 […]

  • Jeepney drivers umaangal sa bagong patakaran ng LTFRB

    Umaangal ang mga hanay ng Public Utility Jeepney (PUJ) drivers at operators dahil sa ipinatutupad na mga bagong patakaran ng Land Transportation Franchising (LTFRB) ngayon panahon ng General Community Quarantine (GCQ) sa Metro Manila.   Matapos payagan na muling bumalik ang operasyon ng mga PUJs noong narakaang July 3 sa kanilang operasyon, may  30 percent […]

  • Kasama sina Gretchen at ibang PIE Jocks sa ‘PIE Channel’: ELMO, masaya na makatrabaho si VIVOREE na nakasama sa acting workshops

    MAKABULUHANG kwentuhan at masayang kantahan ang hatid ng PIE (Pinoy Interactive and Entertainment) Channel sa viewers mula umaga hanggang gabi dahil sa mas pinasiksik na palabas ng BRGY. PIESILOG, PIEBORITO, AT PIE NIGHT LONG.     Tuwing umaga (10 am – 12 nn), makakasama ng viewers ang ‘brunchkada’ nina Gretchen Fullido, Abby Trinidad, Frances Cabatuando, […]